Kabanata Eleven: Autograph Book 2.0 (Part 3)

41 7 0
                                    

Abbre-Lavigne!

Sa kahit anong autograph book o slumbook hinding hindi mawawala ang mga Abbreviations. Na-imbento rin siguro ang mga ganitong sagot dala ng maiksing sulatan sa slumbooks.

Ang kadalasang sagot kapag ang tanong ay “what is your favorite hobby?” ang mga sagot ng mga abbreviators ay P.E.S.T. meaning daw ay Playing, Eating, Singing, Talking. O ‘di ba apat na letra lang ang dami mo na agad nasabi. ‘Yan ang imbensyon.

Meron pang mga super imbento lang ng mga abbreviators katulad ng:

T.H.A.N.K.S. = Tulungan Hanapin Ang Nawawala Kong Syota

A.D.I.D.A.S. = Ako’y Dapat Isuot Dahil Ako’y Sapatos

M.M.M.M = Matandang Mayamang Madaling Mamatay

H.B.D = Happy Birthday

I.M.Y. = I Miss You

I.L.Y. = I Love You

I.H.Y. = I Hate You

O.M.G. = Oh My Gosh

O.D.K. = Oh Diyos Ko (Filipino version ng O.M.G.)

‘Yong iba naman mga pang Miss Universe o pang United Nations ang mga abbreviations nila.

J.A.P.A.N. = Just Always Pray At Night

C.H.I.N.A. = Crush ko Handsome Intelligent No Allergy

I.N.D.I.A. = Iyan Na Di Iyan Akin

I.T.A.L.Y. = I Trust And Love You

Madami pang mga ganyang bagay sa mga slumbooks ko at malamang sa slumbooks niyo din. Sa sobrang dami nga nito para matapos na ang lahat isusulat mo na lang ang abbreviation na M2M = Many To Mention.



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now