Panimula

72.5K 824 213
                                    

Panimula.... Where It All Begins!

Taglish. Fillish. Basta Filipino-English. Patunay lang ito na ang ebolusyon ng lengguwahe ng Filipino ay fast pacing. Madalas na ito ang dahilan kung bakit nagagalit ang mga Filipino teachers natin, pati na rin ang mga chukaderang friends natin na kumukuha ng kursong Education, Major in Filipino. Ayon sa kanila, mali daw na magsalita tayo ng pinag-combine na lengguwaheng Filipino at English. Like whatsoever, super ang arte much talaga. Well, fast facing kasi talaga ang lengguwaheng Filipino kaya nga mayroon na ring Gay Lingo, Jejemon at dati nga noong high school pa ako, may G-Words pa kami, eh. Idagdag niyo pa ang mga salitang “hashtag” at “selfie” na ngayon ay recognized na ng mga reputable dictionaries. Gano’n talaga, parang dati lungs mukha kang Homo Erectus, ngayon, wow, ha, Homo Sapien ka na! Evolution, dahlings. Achievement mo na ‘yon!

Simple lang ang dahilan kung bakit ginamit ko ang Fillish in making this story. Una, dahil medyo bobo ako sa straight at malalim na pagsasalita ng Filipino. Baka ‘pag nabasa ‘to ni Lualhati Bautista at Amang Jun Cruz Reyes, isumpa nila ako. Kaya please, bear with my Filipino, pow! Pangalawa, para makuha ang atensyon niyo at ipaalam sa inyo ang kakaibang resulta kapag pinag-merge ng lengguwaheng Filipino at Ingles. Bakit, masama ba ang lengguwaheng nag-Voltes Five? Sa kabila nito, hindi naman ibig sabihin nito na hindi ko na mahal ang aking nasyonalidad. Kapag nagsalita ako ng Ingles, hindi ito nangangahulugan na itinatakwil ko na ang aking wika, bansa o lahi. No way. Walang daan. I love the Philippines. Because it’s more masaya in here. (Wow, so conyo!)

Hindi man ako si J.K. Rowling, Stephen King, Pittacus Lore, Roald Dahl, Suzanne Collins, Bob Ong, o Mina V. Esguerra (Mga idol ko pala!). Oo nga, hindi naman talaga ako ang mga iyan. Bago man ang pangalan ko sa inyong paningin, but the truth is, may mga nai-contribute na rin ako on Wattpad and I’m into blogs as well. Check niyo here: www.wattpad.com/JahricLago o kaya rito, www.jahriclago.blogspot.com. Promote-promote din! Isa pa, kahit na hindi pa ako bestselling author katulad ng mga nabanggit, panalo na rin akong maituturing dahil sa sayang aking nararamdaman sa pagsulat ng mga istorya. Katulad ko, sana’y masiyahan at mag-enjoy rin kayo. Wala naman ‘yan sa salita, gawa at isip, nasa puso ‘yan. Remember that, dahlings!

Maraming klase ng estudyante sa mundo. O ‘wag nang masyadong malawak, sa Pilipinas na lang, okay? Well, ako’y nakapag-elementary, high school at college kaya ang lahat ng mga pangyayaring ito, bagamat nilagyan ko ng kakaibang sangkap, ay mga karanasang tunay kong napagdaanan. Iyan ang ikukuwento ko sa inyo—ang mga naging kaklase kong weirdo pati na rin mga ‘di gaanong weirdo kundi super weirdo (Super talaga? Lumilipad lungs? Superhero?), mga teachers, iba’t ibang subjects, mga kalokohan, mga natutunan (Kung meron man… aba, siyempre meron! Papatayin ako ng mga naging guro ko!) at iba’t ibang pangyayari sa aking buhay estudyante.

May iba’t ibang uri ng estudyante. Malay mo, isa ka na pala sa mga mababanggit ko. Handa ka na ba? Kasi ako, super excited na ako. Ikaw, anong klaseng estudyante ka kaya?



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now