Kabanata Five: Ang Mga Estudyanteng... (Part 3)

97 12 3
                                    

Ang Mga Estudyanteng… Hikers!

Itago na lang natin sa pangalang, Hikers slash students ang susunod na estudyante na iyong posibleng makasalubong sa corridor.

Ang mga trip ng mga ganitong estudyante ay magsuot ng sobrang laking bag na tipong dala-dala na yata niya ang buong libro niya tapos hirap na hirap umakyat ng hagdanan papunta sa klase niya.

May sapak din ang mga ganitong estudyante eh, kung makapagdala ng backpack parang walang bukas. Dala na yata pati, ref at T.V. nila ‘yong tipong pagbinuksan mo ‘yong bag niya makikita mo na ‘yong sala nila at kusina.

Bakit naman kasi makapagdala ng bag ang mga ganitong uri ng estudyante parang timang lang. ‘Yong totoo, saan ka ba pupunta? Sa school o aakyat ka ng Mt. Everest?

Kapag may nakakasabay pa ako nito sa corridor ‘di ko mawari kung ano iisipin at gagawin ko eh. Kung tutulungan ko siyang buhatin ang super duper laki niyang bag o papasan na lang ako sa kanya.

Sa sobrang dami ng dala ng mga ganitong estudyante nag-mumukha na tuloy silang si Hunchback of Notre Dame o si Imang ang Kampanerang Kuba. Ano ba ito patibayan ng likod?

‘Yong mga ganitong estudyante mahirap isali sa larong “bring me” dahil panigurado sa lahat ng ipapadala mo ay nasa loob lang ng bag niya kaya sure win na siya. Unfair sa iba. Isa pang laro na ‘di niyo sila dapat isali ay ‘yong “sangla-sanglaan”, dahil ikaw na sangla mo na lahat ng gamit mo maski brief mo, sila mukhang ‘di lang man nabawasan ang gamit kahit na ka-benteng sangla na sila. Panalo ‘di ba?



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now