Kabanata Five: Ang Mga Estudyanteng... (Part 4)

93 12 0
                                    

Ang Mga Estudyanteng... Ka-Biteno!

Isa pang uri ng estudyante na maaari mong makita sa pasilyo ay ang mga Ka-Biteno. Ito ay 'yong mga babae at lalaking schoolmates mo na hindi mo malaman kung pinasadya ang mga uniform nila na gano'n kaikli o sadyang nagkulang lang sa tela.

No'ng college ako dalawa ang uniform ng mga babae sa amin, isang slacks at isang skirt. 'Yong isa kong klasmeyt super duper ikli ng skirt niya. Super hapit na super iksi pa. Parang laging may libreng live show kapag nandyan na siya. Isang tuwad lang kita na buong kaluluwa niya. Akala mo kinaganda niya, eh ang lusog naman niya. Ang taba. Nagmumukha lang siyang suman. Minsan ibagay din sa katawan 'te.

Isa pang mga Ka-Biteno ay ang mga lalaki. May mga klasmeyt ako na kapag pumapasok sa school. 'Yong uniform nila ay super iksi din. 'Yong polo nila parang damit pa ng kapatid nilang 9 years old, tapos 'yong slacks nila na dapat ay kasing haba ng pantalon ay nagmumukhang three-forths. Ano tokong lang? Minsan ang matindi pa nagmumukhang shorts.

Ang mga uniform sa school ay hindi dapat binabago. Kaya nga tinawag na uniform eh ibig sabihin dapat pare-parehas. Sana hindi na tinawag na uniform ang uniform kung lahat din naman tayo ay may mga sariling fashion designer. Mayaman?



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now