Kabanata Six: Subject Ng Ina Mo! (Part 7)

64 8 1
                                    

Miss Management

Management subject. Isang napakadaling subject na pinahirap dahil sa napakahirap intindihing professor. Ang professor namin dati sa Management akala namin mabait, well, mabait naman pero no’ng kalaunan lumabas ang tunay na powers ng lola mo.

Tuwing klase parang laging may dalaw si ma’am at laging mainit ang ulo. Wala na kaming tamang ginawa, hay naku naman. Wala na masyadong kuwento, basta para siyang teacher ko din no’ng sa Social Studies. Feeling ko tuloy magkapatid silang dalawa. Nakakawindang sila. Sumasakit lang ulo ko. Tapos.

Ang napakaswerte pang nangyari samin noon, no’ng natapos na ang delubiyo namin sa kanya, no’ng sumunod na sem, anak ng tokwa, isa na naman siya sa mga professors namin. Swerte, boy!



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora