Kabanata Three: Exams Na! (Part 3)

24.7K 306 36
                                    

Ang Madamot Na Si Juan

Pinaka galit talaga ako sa mga taong ayaw magpakopya dahil napaka madadamot nila. Feeling nila alam na nila ang lahat at ayaw mag pakopya. Kapag nag-tetest may magtatanong sayo, “anong sagot sa test 2 number 3?” tapos syempre sasagutin mo naman ‘yong tanong niya mabait ka eh para kapag ikaw naman ang magtatanong sasagutin ka din nila. Pagkatapos noon kapag ikaw naman ang may hindi alam at tatanungin mo, “anong sagot sa test 4 number 2?” ang katangi-tanging sagot sayo ng mga madadamot na Juan ay, “wala pa ko diyan” o kaya naman “wala din akong sagot diyan eh”. Eh di tanong ka ng susunod, “eh sa test 4 number 3” ang sagot pa din sayo gano’n tapos tanong ka ulit, “eh test 4 number 4” parehas pa din ang sagot sayo, “wala pa kong answer diyan”. Tapos kapag mag-che-check na ng mga papel malalaman mo perfect siya sa test 4. Nakakabuwisit ‘no? Sarap sunugin no’ng papel niya tapos ipalamon sa kanya ‘yong abo.



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now