Kabanata Fifteen: Salamat, Bansag! (Part 3)

38 5 0
                                    

Team Tag Sa College

Whan-Bhie – ito ang pangalan ng buong section namin sa unang kolehiyong aking pinasukan. The bonding that we had was incomparable. Lahat kami nagtutulungan, walang laglagan at lahat kampihan kaya kapag maingay ang isa ayon maingay na din ang lahat, kaya ang buong klase ay laging “dean’s listers” sa kaingayan.

Angels Association – ang grupong ito ay ang una kong naging grupo sa nilipatan kong eskuwekahan no’ng college. Noong simula ay binuo-buo lang kami ng lima at ang pangalan pa ng grupo namin noon ay K.K.K. as in Kwek Kwek Klan, sa sobrang hilig namin sa kwek-kwek araw araw halos pag-uwi ay pumupunta kami ng kwek-kwek house para lumapang ng paborito naming pagkain na sinasawsaw sa suka. Kalaunan, naging labing-isang estudyante na ang grupo namin at nag-transform na sa pangalang AA o Angels Association sa kasalukuyan labing tatlo na ang miyembro ng AA. Isa sa mga pinauso ng AA ay ang AA-tionary. Isang koleksyon ng iba’t ibang nakakatawang salita na mga mali na pinamali pa lalo.

DF – stands for Dearest Friends, nabuo ang konseptong ito no’ng naging super close ako sa mga tatlong klasmeyt kong babae no’ng second year college sa bagong nilipatan kong unibesidad. Naging tawagan namin ‘yan dala ng pagiging matatalik naming magkakaibigan.

Upl8rz – ito naman ay ang naging pangalan ng buong section namin no’ng second year na sa bago kong nilipatang eskuwelahan. Up8lrz dahil pang-gabi kami noon at laman ng mga mga group message at text messages kahit alas dos na ng hating gabi, mga puyaterz!

Chedesakimjahr – ito naman ay kalokohan lang na kunwari nakasama ako sa grupo nilang CheDesAKim nilagay ko ang pangalan ko para I belong ang arte ng lola mo.

A.C.E. – Achievers of Camaraderie And Excellence. Ang party na aking sinapian sa bagong kolehiyong aking nilipatan tungo kami sa ikauunlad ng aming unibersidad. Hindi nga kami nanalong lahat noong eleksyon pero hindi parin kami ang talo dahil sa pakikisama at pakikipagkaibigang aming nabuo. Well, kasama na ako sa mga natalo ng mga panahong iyon. Well, it was my first student council’s election. Lahat naman may first. First kiss. First love.

K.S.P. – Kasama Sa Pagbabago. Ang sumunod kong party na sinamahan tungo sa pagbabago. At yun nanalo kaming lahat sa student council. Landslide victory. Totoo nga ang try and try until you succeed. The friendship we all shared flourished ‘til the end of our term kahit merong mga misunderstandings at selosan, we stay friends.



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now