Kabanata One: Ang Magkakapatid (Part 2)

45.1K 695 717
                                    

Ang Bunsong Kapatid

Ipapakilala ko sa inyo isa-isa ang magkakapatid at ang mga eksena na aking naranasan sa loob ng aming klase mula sa aming mga klasmeyts na kagayang-kagaya ng ating mga idolo na magkakapatid. Idolo talaga 'no?

Una ko sa inyong ipapakilala ay 'yong napakamadaming lahi sa mundo lalo na sa klasrum. Ang dami na ngang tawag sa ganitong tao eh, Tupperware, Orocan at ang bago Zooey "ang plastik ng bayan". In short, si Plastikera-ang bunso sa magkakapatid.

Meron akong kaklase no'ng college ang pangalan ay SK Chairman, exam namin noon sa major namin sabi niya sa 'kin na ayaw niya daw tumabi kay TB Five kasi lagi na lang daw itong kumukopya at 'di siya makapag-concentrate. Samantalang super kaibigan niya 'tong si TB Five ha, take note. Sabi pa ni SK Chairman sa 'kin na buti na lang daw ako ang nakatabi niya dahil ako nag-review at si TB Five hindi nag-review kaya tiyak daw ay mangongopya lang ito. Tapos pagkatapos ng exam sabay punta si SK Chairman kay TB Five at sabi, "Hoy, kumusta exam mo? Tara kain tayo sa labas!" Ikaw manghusga, ikaw daw si judge kunwari, plastik o hindi? Hindi 'no? Kundi super plastik na plastik lungs to the highest level ng bonggang-bongga. Grabe, ka-stress talaga si Plastikera.



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now