Kabanata Five: Ang Mga Estudyanteng... (Part 7)

87 10 1
                                    

Ang Mga Estudyanteng...  Banyo Queen #3!

Our last guest… Banyo Queen #3: Itago na lungs natin siya sa pangalang Ms. Jigglypuff. Well, una niyang naranasan ang pagiging BQ3 no’ng elementary days as a third grader. Katulad ni Banyo Queen #2 ay nagpaalam din siya sa teacher niya na mag-si-C.R. siya ang paalam niya pa nga ay, “Ma’am, tatae po ako.” At ‘yon na nga at nakaabot naman siya sa C.R. at nakatae ng nakatungtong pero dahil nga sa nakatungtong siya sa inodoro ayon ‘yong erna niya at sumabit sa medyas niya. Hindi niya alam ang gagawin kaya no’ng nakakita siya ng plastic ng yelo sa gilid ng lababo ay nilagay niya doon ang medyas niya. Ang nakakaloka nito, dinala niya pa sa klase ‘yong medyas niyang may erna tipong pasalubong ba kay ma’am. Inabot niya kay ma’am at nagsabing, “Ma’am, nataehan ko po medyas ko.” After that, sinumpa na ni Ms. Jigglypuff ang pagtae sa school. Kaya sinumpa niya to never tumae sa school’s C.R. ever! May ginawa pa nga siyang banner na nakasabit sa tapat ng kama niya to remind her, saying, “Wednesday Worst Day!” kasi tuwing Wednesday siya noon nakakaramdam ng unlicall of nature.

Pagtungtong ni Ms. Jigglypuff no’ng high school, nangyari na naman ang kinakatakutan niya, first year siya noon at  habang nag-pe-periodical exams ay naramdaman niyang kailangan na niyang mag-confess kay Big Brother, kaya ‘yon diretso siyang C.R. para mag-confess. No’ng naka-upo na siya sa bowl, biglang may sumilip na estudyante at sinigaw, “Uy! Tignan niyo may tumatae dito!” with matching tawa pa. Grabe, kinabahan si Ms. Jigglypuff kaya ayon tumayo agad siya at dumeretso ng clinic at sinabi sa school nurse na masakit ang kanyang tiyan at gusto na niyang umuwi, tinawagan ang parents niya at ‘yon pinauwi na siya. Pero hindi narin siya nakaabot dahil sa clinic pa lungs at nagsabog na siya ng confetti.

Hindi naman natin masisisi si Ms. Jigglypuff, siyempre bata pa siya those days kaya mega taranta moments pa siya sa bawat sitwasyon at na-trauma pa sa pagtae sa banyo ng school. Ikaw kaya malagay sa lugar niya, makakatae ka ‘rin kaya? Baka isuka mo na lang tae mo. Okay, enough with this kadiring topic. Done.

PS: Aaminin ko na, ehem, ako si Banyo Queen #3! Natatawa talaga ako ng super duper sa experience kong ito, but at least, ngayon marunong na akong gumamit ng banyo kahit saan pa ‘yan! Taehan ko kayo, eh! #ProudPottyTrained



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now