Kabanata Fifteen: Salamat, Bansag! (Part 9)

32 4 0
                                    

Pet Names #6

Macho – si Eldon ‘yan na ang tawag naman sa akin ay Sexy. Siya ay ang pinakagwapo (kahit ayaw niyang maniwala) na naging karelasyon din ni Bestgirlfriend. Pero ako talaga ang unang naging bet nito ni Macho eh, tinititigan ako nito dati ng super lagkit na parang champorado. Pero no’ng nalaman kong bet din ni Bestgirlfriend ‘to, ay pinaubaya ko na lungs. 'Yan! Lahat kasi ng kay Bestgirlfriend, nali-link din sa akin. Friends share. Chos!

Ben – meaning ay bestfriends forever and ever. How? 'Wag mo ng itanong. Si Joana 'yan, Ben naging tawagan namin kasi yun nga we are bestfriends, paulit ulit Aling Juliet? At sa dahilang manly ‘yong name na Ben, at kami kasi ay manly. Yes, manly. Wow, big word! Love ko ‘yang si Ben kasi madami kaming napagkakasunduan lalo na sa pagkain. Nagutom tuloy ako!

Blujay – parehas kasi naming peborit ehem favorite para medyo sosyal, si Jessica Soho este Jessica Sanchez, eh ang tawag ni Jessica sa mga fans niya ay Blujay kaya ‘yon ang naging tawagan namin ni Sabrina Khan. Kaloka nga eh, lagi kaming inaasar na BLOW daw imbis na Blu ang tawagan namin. Inggit much? Pektusan namin kayo, eh.

Panda – nagsimula ang tawagan namin ni Efren Pen ('yan dapat mga complete names para mase-search nila kayo sa Facebook. Haha!) no’ng pauwi kaming barkada from swimming sa Montalban, wala lungs out of the blue I came up with the word association ng friendship namin. Isa si Panda sa pinaka-close kong lalaking superfriend (kung lalaki nga talaga siya) kung hindi nga lungs ako choosy baka two years na kaming mag-syota ni Panda, but I’m not sulotera. Haha!

Lucky – mahaba-habang kwentuhan ituuu! Si Lucky ay si Marvin Cruz ‘yan (o search niyo din sa Facebook laging naghahanap ‘yan ng bagong girlfriend, lagi kasing sawing palad. Ha-ha!) naging Lucky tawag ko sa kanya kasi tuwing kasama namin siya noon maghanap ng work ang lucky lucky namin (sarcastic tone here please!) tipong no’ng pauwi na kami from job hunting at nag-decide na pumunta sa bahay nila Lucky kasi nga birthday niya, oo, birthday niya! Swete ‘di ba? Mukha lungs! Aba hindi kami makasakay ng bus sa may Jones Bridge kaya ‘yon mega sakay ng jeep tapos bumaba kami ng Quiapo kasi may nakita kaming bus papunta kila Lucky, kaloka hindi kami sinakay do’n daw sa terminal kami sumakay, ayon mega lakad to the highest eklavush kami at finally nakasakay din ng bus sa terminal ng G-Liner. The end. Charaught! Akala din namin tapos na delubyo namin but wait there’s more… no’ng nasa kalagitnaan na kami ng biyahe tumigil ‘yong bus kasi may action scene sa harapan naming, barilan yata do’n tapos no’ng natapos na ang eksena nagpatuloy na ulit ang biyahe at nakarating na kami sa lugar ni Lucky pero, pero, pero no’ng pagbaba namin ng bus buhos ang ulan at napakanta kami ng Basang Basa Sa Ulan by Aegis. Kaloka much! Pero kahit ano pa, madami kaming pinagsamahan niyan ni Lucky at isa din yan sa pinaka-close kong lalaking friend (if totoong lalaki din siya katulad nina Panda at Pogi, Chos!)



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon