Bonus Kabanata: Graduation Days (Part 2)

43 5 0
                                    

Nursery Rhymes

Kung ang normal na batang Filipino ay gagraduate ng tatlo hanggang sa apat na beses ay ‘wag ka ‘day ako anim na beses grumaduate. So, abnormal ako? Puwede na. Eh, ano magagawa natin matalino yata ‘to. CHARAUGHT! Sadyang mahilig lungs mag-aral ng very, very light. Mahaba-habang kuwentuhan ‘to, kaya let’s start!

Isa sa pinaka-malabo malabong memory ko ng graduation ay no’ng Nursery pa ako. Apat na taon ako that time, musmos, mangmang at virgin! Ehem. Wala talaga ako masyadong maalala eh basta alam ko noon ay may bulutong ako kaya mega make-up sa ’kin para matakpan ang tinatago kong lihim. Ang resulta pak na pak ang graduation picture ko. Wala ‘ngang bulutong, mukha namang espasol.

The end. ‘Yon lungs talaga ang naaalala ko no’ng Nursery Graduation ko eh. Sabi sa‘yo eh malabo ang memory ko that time. Basta ang alam ko (virgin pa ako, ehem) at noon ay accelerated ako, from Nursery hindi na ako nag-Kinder I, Kinder II, Kinder III o kung hanggang ilan ba ang Kinder na ‘yan, wiz ko noseline eh! At pati Prep hindi narin ako nag-ganern, deretso na akong College. Wow, talino much? Einstein ampeg. Este deretso ng Elementary agad agad, walang patumpik-tumpik pa. Karakaraka!



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO! ❤
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now