Kabanata Fifteen: Salamat, Bansag! (Part 2)

37 5 0
                                    

My Groupies, Pips!

Bago natin pag-usapan ang mga naging bansag ko sa mga klasmeyts ko dumako muna tayo sa iba’t ibang grupong nabuo ko at sinalihan ko. Maliban sa pagkakaroon ng bansag sa bawat espesyal na kaibigan nagkaroon din ako ng mga iba’t ibang klaseng grupo at pagusapan na din natin pati ang mga naging grupo ng mga klasmeyts ko. Kadalasan ang isang grupo ay binubuo ng tatlo hanggang lima na magkakaibigan. Basta more than two ay group of friends na tawag do’n.

ChaJahDen – before all of these team tags and pet names unang una parin diyan ang naging group naming tatlong magka-cousins si Charie Faith, Denn Mark, and myself. At first, D’Angels ang name namin hanggang na-realize naming mga demonyo kami kaya binago namin. Chos! Now, ChaJahDen na ang group name namin. Kaming tatlo sa lahat ng mag-pipinsan ang pinaka-close talaga sa lahat. Mga sikreto, kaharutan at kalandian, lahat ‘yan pinagsasaluhan namin pati na ang pagbuo ng mga sarili naming mangarap, madalas naming pagkuwentuhan ‘yon. Truly the best cousins I ever had. ChaJahDen forever!

Tres Poktitas – 'yan ang pinaka una kong grupo na sinalihan, third year kami that time, tatlo kami noon, tatlong mga baklang iba’t iba ang itsura pero pare-parehas ng hilig at ng nilalandi.

Tropang Kagak – no’ng third year nagsimula kami sa Tres Poktitas na nadagdagan ng dalawang babae si Charm at si Jiezeel kaya binago na namin ang name at naging Tropang Kagak na nga.

O.T. – no’ng ako’y naging fourth year na nabuo naman ang grupong ito. Ang una naming name no’n ay “Bitches and Cream” hanggang naging “Overhauled Teens”. Super mahal ko mga naging kaibigan ko sa grupong ito walang iwanan talaga. Until now. Weh?



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now