Kabanata Two: Ssshhh! Ssshhh! (Part 1)

31.4K 452 60
                                    

Library Ito

Sa mga eskuwelahan may mga silid-aklatan kung saan punong-puno ng mga estudyanteng nag-aaral ng mabuti, nag-aaral kunwari, nag-tsitsismisan, at ‘yong mga wala lang matulugan dahil puno na ang mga kama sa clinic kaya pinagtiyagaan na lang ang lamesa sa library.

Sabi nga, “bawal ang maingay dito” dahil kapag nag-ingay ka at nahuli ka lagot ka kay Librarinator ang bida ng silid-aklatan na hindi magkandaugaga sa pagpapatahimik sa library, sshh dito sshh doon. Pag ‘di ka pa tumahimik sasabihan kang, “lumabas ka na lang, bumalik ka na kapag naka-masking tape na 'yang bibig mo o kaya may pasak na medyas.” Seryoso, ano ‘to? Library o hostage area? Masking tape at medyas, harshness! Kawindang talaga ‘tong mga librarians na ‘to, kayo kaya muna mag-try.

Ang mga librarians may mga pinapanigan din at ang tawag sa kanila, Bulilibrarians. Ang mga sipsip na estudyante sa mga librarians para lang makapag-uwi ng mga gusto nilang libro at sa susunod na buwan na nila ito ibabalik. Ang daya ‘no? Pero alam mo sumagi na sa isip ko dati na maging isang Bulilibrarian kasi daming benefits talaga, eh. Una, puwede kang magdaldal at mag-ingay sa library. Pangalawa, puwede kang manghiram ng kahit anong gusto mong libro gaya nga ng sabi ko. At ang panghuli, puwede kang kumain sa loob ng library. Lahat pa naman ‘yon pabor sa 'kin. Madaldal ako, palabasa at higit sa lahat matakaw ako. Kapag nahuli ka pa naman ng librarian na kumakain sa library papalabasin ka. Agad-agad. Kabuwisit. Unfair talaga.

Hindi ko hiniling na maging librarian, pero 'pag ako naging librarian madami akong magagandang plano para sa pagpapaganda at pag-asenso ng silid-aklatan, malaking pagbabago sa sistema kumbaga. Kahit ano puwede, kahit manghiram ng libro at next year na ibalik ay puwede, puwede magbasa ng XXX magazines, puwede kumain ng kahit ano sa loob ng library. Pupunuin ko ng signs ang library na “please observe noisiness”. Magkakabit ako ng strobe lights at music component at araw-araw may party, may inuman, may pulutan, may sayawan, walang bawal, lahat ng killjoy papalabasin sa silid-aklatan at maba-ban forever hanggang sa pag-graduate niya. Library ito.



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now