Kabanata Six: Subject Ng Ina Mo! (Part 5)

68 8 0
                                    

English The “Besh”

Madaming estudyante din ang kinakatamaran aralin ang English. Pero ako super favorite ko ang English simula elementary, high school at lalo na no’ng college. The best talaga ang English, forte ko ito, eh.

Kapag sa isang klase nag-i-English ang estudyante, pagtatawanan tapos sasabihan ng, “ang arte mo naman magsalita, pa English-English ka pa nasa Pinas ka naman.” Pero ang totoong nakakatawa ay ‘yong mga estudyante na mangmang sa salitang Ingles. Oo nga nasa Pinas ako, bakit? Masamang mag-practice? It only means na pang-export ako, ikaw? Pang-Divisoria ka lang.

Ang Ingles na salita ay ginagamit sa halos lahat ng subjects. Mapa-elementary, mapa-high school o college puro Ingles ang medium na gamit, well except nga lang sa Filipino. Kaya nga Filipino e, ‘di ba?

Maganda rin na alam nating mga Pinoy ang salitang Ingles para ‘di tayo napapahiya sa ibang lahi pagdating sa usapang Ingles. Isang edge din ito ng mga Filipino lalo na pagdating sa pag-a-apply ng trabaho after you graduate. Kasi wala namang job interview na Filipino ang salita eh kahit na sa Jollibee pa ‘yan English ang convo niyo ng magiging boss mo. Well, sa bagay ‘di na lang mga call center agents ang magagaling mag-Ingles ‘no. Kahit takatak boy marunong nito. Wow, pang-International!



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now