Kabanata Eight: Sikat Ka Ba Talaga? (Part 3)

56 9 0
                                    

Math-man

Isa na namang bansag na tunog superhero, superhero na nakakapa ng itim, may maliliit na sungay at machong katawan, itago na lang natin sa pangalang Batman. Well, ibang iba naman si Math-man, ang mga estudyanteng katulad nito sa aming klase ay ‘yong mga nakasuot lagi ng makakapal na salamin, may hawak laging calculator at mga Algebra, Trigonometry at iba’t iba pang Math books. Mga isinilang na Math geniuses.

One plus one? Two, di ‘ba? Wala yan sa mga Math-man, mga hitik sa Matematika. Mga idolo ko mga ganitong tao eh kasi nga kahinaan ko talaga ay Math. Alam mo ‘yong tipong gusto mo ng pumunta ng DepEp office kasama mga katulad mong estudyante na mahihina sa Math at magwewelga na may kasama pang-planking at Wiggle Wiggle dance para lang ipatanggal na sa curriculum ng mga high school students ang subject ng Math, dahil sa sobrang hirap nito. Pero no’ng ako'y tumuntong na sa third year at ang Math subject namin ay naging Geometry na ay naku do’n ko lang nasubukang yakapin at mahalin ang Matematika. The best ang Geometry eh hindi mo masyado kailangan mag-compute (na pinaka ayoko) puro ka lang analysis at reasoning, ang galing pa kasi ng Math-man kong teacher walang kapantay ang kagalingan sa pagtuturo. The best!

‘Yong totoo paulit-ulit ako ng kuwento? Naikuwento ko na ito sa Sixth Kabanata, ha. Who cares!



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon