Bonus Kabanata: Graduation Days (Part 3)

44 6 0
                                    

Elem G. Day!

Ano bang naaalala ko no’ng Elem G. Day namin? Ikaw, ano ba naaalala mo? Klasmeyts tayo, right? Feeler much! Ang natatandaan ko madaming beses na akong naka-akyat sa stage no’ng Elementary life ko, hindi lungs para maglaro sa stage ‘pag walang program ha, kundi tuwing may school programs din. Una, no’ng pinasayaw at kanta kami ng inspirational song ni Jaime Rivera na sikat na sikat mga year 2000-2001 ‘yon ‘di ko na maalala ‘yong mismong title ng song eh basta kanta sa simbahan ‘yon. Hulaan mo nga for me? Pangalawa, no’ng sumali ako ng Mr. & Ms. Valentine, siyempre Mr. Valentine ako kahit na bet na bet kong maging Ms. Valentine pinaubaya ko na lang sa klasmeyt kong si Katherine yata name niya na kapag umubo may kasamang dugo ang plema. Dati pa naman ‘yon kaya sure akong hindi ‘yon ebola.

Well, actually madaming beses talaga akong umakyat ng stage eh hindi ko lang talaga maalala ‘yong iba. Basta marami. Maraming marami. ‘Yong iba mga walang kwentang sayawan lungs eh pero ‘yong iba may eksenang sabitan ng medalya. Linawin ko lang ha, hindi ako ‘yong sinusuotan ng medalya, taga-abot lang ako sa mga nanay na nagsusuot sa mga anak nila. But even though, madami akong ribbons dati, ‘yong mga may Best churvaness, Best eklavush. Tipong masabi lungs may award ang anak para maipagmalaki ng mga magulang, mga teachers talaga… the best!

So, here we go, lastly, ang huli kong akyat sa stage no’ng Elem pa ako ay no’ng graduation. But before that, madaming dramahan muna ang nangyari. Lights, camera, action! Bago kasi magpunta sa church ang mga pupils at parents for the Baccalaureate Mass, basta misa lang alam ko noon, paki ko sa spelling ng baccalaureate na ‘yan, ‘di ko nga ma-pronounce ‘yan dati eh. Anyway, ayon nga, may gathering muna ang lahat sa quadrangle ng school. Siyempre nakapila ang lahat ng pupils tapos mga parents naman kalat kalat doon sa tabi tabi. That moment, pinaupo na kami ni Mother Principal tapos ba naman sinipa ako ng batang lalaking nasa likod ko na mukhang unggoy na pinaglihi sa kabayo na mukhang hinampas ng balde ‘yong nguso sa laki na mega ever to the highest level sinumpa ang mukha, ehem, breathe… breathe… o basta in short ‘yong pangit na ‘yon. At first, pinabayaan ko muna. Sabi ko no’n, sige enjoy ka, ‘pag ako gumanti kilay mo lang walang latay. After mga isang minuto, napikon na ako. Aba siyempre, hindi papaapi ang bida natin all the way, nag-transform ako, lunok bato, sabay sigaw ng Darna! Hindi ako lumaban, natakot ako baka lunukin ako ng buhay sa laki ng nguso ni Monkey Boy eh. No’ng akmang patakbo na ako sa mama ko para magsumbong, nakita ko si mama na papunta na sa akin. Siyempre niyakap ko si mama tapos mega crayola ako. Cry me a river talaga! Tipong pang-best actress. Tapos sinumbong ko kay mama ‘yong ginagawa ni Monkey Boy sa ’kin, ayon pinagsabihan ni mama. Tapos ba naman ‘yong nanay ni Monkey Boy na Urangutan ay to the rescue, inaway si mama. Ayon nag-away ang dalawang nanay. Nakalimutan ko na kung sinong nanalo eh, draw ‘ata sila, lumipat na kasi ako ng upuan katabi ang crush kong si Jaypee. Landi much! Well, actually, I forgot ang exact na ginawa sa akin ni Monkey Boy kung bakit nasira araw ko that day, hula ko lang ‘yong sinipa niya ako, feeling ko kasi if not that, ‘yong bag ko ‘ata no’n kinukuha niya. Ay basta alam ko pangit siya. Period.

Balik graduation day. Well, ang naaalala ko no’ng Elem G. Day ko ay lakas maka-The Walking Dead o Dawn of the Dead, kasi ba naman ang assembly ay five in the morning. Ang aga talaga! Ang dilim dilim pa ng paligid. Eh, tulog pa nga ‘ata mga tindera ng pandesal ng ganoong oras. Tapos ayon na, may commotion pa that day, hindi dahil biglang dumating ang Sailor Moon kasama ang Voltes V para sa opening remarks ha kundi si Mother Principal ay na aksidente daw kaya hindi makaka-attend sa Elem G. Day namin. Keri! Hindi naman siya ang ga-graduate eh, kami. Kami ang bida. As expected, the show must go on, kaya tuloy ang rampa namin papuntang stage to get our diplomas. Again, dahil super aga ng start, ayon halos lahat ng pictures ko ay night mode. Ang dilim, ‘day! Kaloka. Ang ending, dahil kasama ako sa Top 10 sa klase ayon super saya ng mama at papa ko. Nagbunga ang pamamalo ni mama sa akin tuwing tinuturuan niya ako ng nakakabadtrip na Mathematics na ‘yan. On the contrary, medyo hindi ako naging masaya na parte lungs ako ng Top 10. I won’t settle for that. Kaya pinush ko ang aral-landi ko ng sabay pag-tungtong ng high school. To be continued.



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO! ❤
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now