Kabanata Thirteen: Dear Charot (Part 2)

37 6 0
                                    

Senior Year #2

“Thanks for being a nice “gay” friend to me!! Hehehe! Goodluck!” –Dale

Thanks nga din pala for being a nice “boy” friend to me. O ayan ha may boyfriend na ako. Haha!

“Mare, alam ko seksi ka, hehe! Idol kita sa English sana pumunta ka dito samin kapag college ka na. I love you.” –Carlo

Lagi naman kaming pumupunta sa inyo eh. Reunion venue naman kasi lagi 'yang bahay niyo. I love you, too!

“Well, napaka-friendly ng taong ito. Sa sobrang friendly dami niyan kakilala sa skul. Malupet magmura, marahas din magbiro ito. Hehe. And sooper doper na madami ang boys sa life nito in short Playgay. Haha. Siya ang ultimate joker din ng 4-3 and very frank. Kaya hindi siya plastik. Goodluck sa career mo. God bless you. Wag mo akong kakalimutan ha. Lovelots” –Jher

Napakatotoo talaga ng mga pinagsasabi nito ni Jher sa 'kin. Siguro gano’n lang talaga kapag tunay na magkakilala kayo ng tao madami siyang masasabing mga bagay-bagay sayo, both positive and negative. Lagi ko namang sinasabi na hindi ako plastik na tao nagiging plastik lang ako sa mga taong hindi ko kaibigan. So, kapag hindi kita kaibigan tiyak pinaplastik lang kita. Love you, Jher!

“Hoy magpakalalake ka na. Hehe. Goodluck, congrats.” –Rayh

Well, magpapakalalaki lang ako, Rayh, kapag naging tayo. Ano deal?

Iilan pa lang ito sa napakadami kong mga memory notes sa loob ng aking memory box. Hindi ko lang mailagay ang lahat dito sa kabanatang ito. Pero alam niyo naman kung sino-sino kayo eh, at nagpapasalamat talaga ako sa mga pinagsamahan nating lahat. Hindi magiging masaya ang high school ng lahat ng mga nag-high school kung hindi sobrang saya ng fourth year niya.



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now