Kabanata Three: Exams Na! (Part 4)

15.8K 206 44
                                    

Secret Lang

May mga estudyante naman na tinatawag na Secret Studiers. ‘Yon ay ang mga estudyante na nagrereview ng pasikreto at kapag sinabihan mo na, “Kinakabahan ako may test pa naman tayo ngayon.” Ang sagot sayo, “Ows, talaga may test tayo? Hala wala pa ‘kong alam baka wala akong masagot.” Tapos kapag nagsimula na kayong magtest may ilalabas yan na kagalingan, ang bilis sumagot akala mo nag- super sayan eh. Magugulat ka na lang pagkatapos mag-test at pagkatapos mag-check malalaman mo na perfect niya ang test, sinungaling talaga.

Ang mga Secret Studier ‘di mo alam kung mga sinungaling lang talaga o pinanganak lang na mayayabang. Siyempre ang sasabihin sa’yo ‘di sila nakapag-review tapos pag nag-check na kayo mas mataas pa ang score niya kesa sayo. Hay naku naman talaga.

No’ng college meron akong kaklaseng ganyan. Kabang-kaba lagi siya kapag may test tapos sasabihan pa ko na, “Pakopyahin mo ako sa test natin ha. Tabi tayo.” Tapos pag nag-test na kayo ikaw pala ang may kailangan ng tulong dahil wala kang masagot sa test tapos pag tinignan mo siya petiks lang, tapos pangiti ngiti lang na parang inaasar ka pa. Nakakabuwisit talaga ang mga estudyanteng ganito.



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now