Kabanata Four: Bakit Kaya? (Part 3)

117 11 0
                                    

Bakit Kaya No. 11:
Bakit kaya sa high school halos lahat ng mga teacher laging pare-parehas ang damit kapag pumapasok? Ano ba tawag doon? Uniform? Ang baduy kasi eh. Sana lahat ng schools sa Pilipinas may mga fashion stylists. Para bongga mga teachers pagpasok.

Bakit Kaya No. 12:
Bakit kaya ang mga guro kapag nagtuturo lalo na kapag fourth year high school ka na bukambibig, “o ito magagamit niyo ito sa college kaya makinig.” Talaga? Eh parang ‘di ko naman nagamit no’ng nag-college na ako.

Bakit Kaya No. 13:
Bakit kaya ‘pag nagsusulit at biglang tumalikod ang guro o lumabas, lahat na ay nagkakagulo para lang makakuha ng sagot? Well, siguro naniniwala sila sa kasabihang, “opportunity only knocks once so grab it.”

Bakit Kaya No. 14:
Bakit kaya napakahilig mag-text ng ibang mga estudyante sa klase? Hindi ba makapaghintay ang tinetext niyo, ano ba ‘yan emergency? Nasusunog na bahay niyo? May pang-load nga kayo para pang-text tapos pang-pa-photocopy lang ng hand-outs o pang share sa group project wala kayo.

Bakit Kaya No. 15:
Bakit kaya ang mamahal ng tinda sa canteen ikumpara sa mga tinda sa labas ng school? ‘Yong totoo, ano ito tubong lugaw? Tapos bakit kaya napaka hilig kumain ng mga estudyante ng fishball, kikiam, isaw, kwek-kwek, balat ng manok, chicharon. Ano ito? Paunahan magkasakit? Ang mananalo ay makaka-receive ng hepatitis and colon cancer award.

Bakit Kaya No. 16:
Bakit kaya ‘yong teacher ko no’ng high school bago umabsent mag-aanounce sa amin, “sa darating na biyernes hindi ako makakapasok kasi may sakit ako noon.” Ano ito naka-schedule ang pagkakasakit? Talaga lang, ha?

Bakit Kaya No. 17:
Bakit kaya sa klase ang daming pulubi? “Pahiram naman ng ballpen susulat ko lang ‘yong nasa blackboard” o kaya, “penge naman ng papel bilis may test tayo.” ‘Yong totoo, hindi ba kayo mga estudyante? At wala kayong mga gamit. Tag-tipid ba lagi? Kacheapan nitong mga hampaslupang ‘to!

Bakit Kaya No. 18:
Bakit after every exam ang mga estudyante tingin agad sa notes o hand-outs para malaman ‘yong tamang sagot sa test? Tapos kapag mali mababadtrip. Bakit ba kasi? Mababago niyo pa ba mga sagot niyo sa answer sheet kung malaman niyo man ang tamang sagot? ‘Di ba hindi na? Move on!

Bakit Kaya No. 19:
Bakit kaya ang ilan sa mga estudyante after magcheck ng exam nagtatanong kung ilan ang score ng katabi nila o nang iba? Ano ito? Gumagawa ka ba ng listahan ng lowest and highest scores sa klase. O sadyang gusto mo lang malaman kung sino mas mataas ang score, siya o ikaw. Ano paligsahan? Kayabangan! Ipapalapa kita sa isang libong pitbull, eh.

Bakit Kaya No. 20:
Bakit kaya ang mga babae sa banyo nila sinusulat ‘yong name ng crush nila tapos minsan may mga love notes pa? ‘Yong totoo, pumapasok ba ng C.R. ng babae ang mga lalaki para malaman nila ‘yon. Brainy talaga!



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now