Kabanata Nine: My College Life (Part 6)

50 7 0
                                    

Party, Party Lang

Sa kolehiyo hindi mawawala ang goodtimes, mga unting inuman lalo na kapag may birthday ang isa sa kaklase. Lagi ako noon na kila Shotahong (isa sa mga kaibigan kong tomboy) nag-iinuman kami ‘pag may birthday o kaya naman ‘pag nagkaayaan at pangpalipas oras lang.

No’ng ako’y tumuntong na ng pangalawang baitang sa aking bagong kolehiyo ay hindi sinasadyang napunta sa pang gabing schedule ang ilan sa amin. Pero masaya parin dahil kung hindi kami naging pang gabi hindi mabubuo ang Upl8rz na binubuo ng buo naming section (katulad nga ng sabi ko), well, as in buo, as in lahat kami, nakailang sabi ba ako ng buo? At dahil dito mas naging makulay, masaya at kapanapanabik ang bawat araw ko sa eskuwela. Biro mo ba naman umuuwi ka ng alas dies ng gabi, hindi mo alam kung may bigla na lang hahablot sa iyo sa tabi at mare-rape ka, o kaya naman hindi mo alam kung ang katabi mo ba sa jeep ay magnanakaw o mukha lang talagang snatcher. Ang haba pa naman ng biyahe ko pauwi gabi-gabi pabalik sa Manila, kaya hindi ko din maalis sa isip ko ang mga ganitong bagay pag-uuwi na ‘ko eh, pati na ang rape. Parang gusto ko ‘yon ng very, very light, eh.

Ngayon balik na tayo sa usapang inuman. Birthday ni Vitz (ang bitamina ng buhay ko at pain in the ass. Haha!) at alam na inuman session na naman, isa ito sa pinakamasaya. May kantahan, sayawan, lamunan, siyempre inuman, tawanan at ang the best, may islaman. Napaka-memorable ng sektor ng buhay kolehiyo kong ito dahil lahat halos ng klasmeyt ko na Upl8rz ay nando’n super saya talaga. Birthday ko? At ako ang super saya? Lalo na no’ng uwian na kung saan ang ilan ay umuwi ng sugatan at luhaan dahil sa islaman. Hindi talaga mapapalitan ang araw na ‘yon napaka-memorable ang sarap nga baunin sa lunchbox araw-araw eh. Saya, tawa, malat, busog, sakit, iyak, at tuwa. Lahat ‘yan naramdaman ko sa birthday na ‘yon.

Alam mo halos araw-araw nga ng aking buhay estudyante sa eskuwelahang ito ay mahalaga dahil ‘yon sa hatid na kasiyahan sa akin ng mga kaklase ko, mga propesor at mga tunay kong kaibigan. Kahit simpleng araw lang nagiging espesyal dahil sa mga espesyal na kasama ko araw-araw, in short mga special children.



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now