Kabanata One: Ang Magkakapatid (Part 4)

34.5K 487 208
                                    

Proud Big Sister

Ang panganay na si Tsismosa ang pinaka-epektibong ate sa lahat. Napakamapagtanggol sa kanyang mga kapatid. Ito ‘yong mga klase ng taong mahilig sa salitang “Alam mo ba?” sagot naman ng mga pilosopong tsismoso din ay “’Di pa e wala ka pa ngang sinasabi. Ano ba 'yon?” Mga hirit ‘no? Uy, nakaka-relate siya.

Sa klase namin no’ng college napaka-tight ng bonding namin, sa super higpit ng bonding ‘pag nagsabi ka ng isang issue limang minuto lang kalat na sa buong klase, limang minuto pa ay alam na ng buong faculty, limang minuto pa ulit ay alam na ng buong college. Gano’n kabilis ang tsismis sa klase namin. Meron kaming kaklase na magsyota, ang tsismis ay buntis daw si babae ng dalawang linggo. Una, anim pa lang kami nakakaalam tapos pagkatapos no’ng vacant namin, aba topic na sa cafeteria ng ibang klasmeyts namin ang tsismis. Sobrang kalat agad. Ang tsismis pa nga nagpunta pa raw ng Quiapo at bumili ng pampalaglag. Kaya no’ng dumaan sa harapan namin ‘yong magsyota bulungan lahat eh, tsismisan lahat. Puro bising bubuyog. Gano’n kabilis kumalat ang tsismis sa klase namin noon. Sorry kayo tight kami, eh. Super!

‘Yon ang maikling kuwento ng Tres Marias. Puro tungkol sa kaplastikan, saksakan sa likod, katsismisan, at katarantaduhan. Akala mo fairy tale pero totoong nangyayari sa buhay estudyante, right?

Nabusog ka ba? Buti naman hindi, kasi madami ka pang dapat kainin. Hoy, nagsisimula pa lang tayo. Bilis lipat mo na ‘yong pahina. Go, sago!



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now