Kabanata Thirteen: Dear Charot (Part 1)

50 7 2
                                    

Senior Year #1

Ang nag-iisang school year na hindi ako nagka-autograph book. Bakit? Eh kasi ‘yong teacher namin sa Values Education pa-epal eh este nagpagawa ng tinatawag niyang Memory Box, kung saan ito ay pupunuin mo ng mga mensahe galing sa iyong mga naging kaibigan sa buong high school life mo. Heto ang ilan sa mga naging mensahe sa akin ng mga naging matatalik kong kaibigan no’ng high school. Dear Charo… Charot!

“Thanks for the friendship. God bless.” –O.T. Grace

Ayon nahuli ko itong si Grace. ‘Yong binibigay niya pala sa aming Memory Note ay recycled galing sa old school project ng ate niya. Ha-ha! Kaya ‘yon hindi na niya pinamigay ‘yong iba niyang Memory Notes sa klase kasi nahiya siya, ako lang yata ang nakatangap noon. Panira ako, eh!

“Take it away Vhong Navatto! Idol din kita pagdating sa English spoken. Don’t worry di ko pagnanasahan si Timothy mo, relax lang boy meron naman akong Rayh e (joke!) Ingat po. Pati si Rayh sayo na din. Thanks a lot I will miss you.” –O.T. Rehan

Namimiss ko na tuloy silang lahat. Lalo na ang mga ka-O.T. ko. Love you, Rehan, wherever you are.

“Alam mo your so shabby kasi secret ko nalang yun. Malayo naman maging charmy ka dahil sabi mo gano’n ako. Ewan ko ba sayo? Magpaka-lalaki ka na pare. God bless. I will miss you.” –Jen

Ang daming sinabi ng lola mo. Miss niya lang pala ako. Haha!

“Sweatheart ko! Sana wak mo ko kalimutan ha. Mamimiss kita. Always take care of yourself. Sweatheart ikaw ang pinakasexy sa buong mundo. Love you.” –Mary Rose

Pinaka-sexy ito naman “pinupuri” pa ako. I’m shy na tuloy.

“Idol kita. Iwasan lang sana pagiging intrimitido. Gusto ko pagiging prangka mo lagay mo lang sana sa lugar. Goodluck sa future mo. Take care.” –Louigie

Opo, tatay. Ang drama ha, may sermonan pang nangyari.

“Bongaysyus bakla graduation na natin. Paano na yan nakakamiss ang araw na mga pinagsamahan natin nakakaiyak, huhuhu! Pero sana magkita-kita parin tayo ha. At ‘yong mga numbers natin wag papalitan. Bakla mag-ingat ka ha mamimiss kita. Tama na naiiyak na ako.” –Remie

Anong 'wag papalitan ang numero? Eh isa ka nga sa mga unang nagpalit ng cellphone number. Nakakaloka, ha.

“Congratulations makakailang “boyfriend” ka kaya sa kolehiyo. Hehe! Galingan mo pag-aaral mo.” –Elton

Kailangan kapag sinabing mag-kokolehiyo puro boyfriends na ang aatupagin? Pero ang sagot ko diyan Elton. Wala. Dahil wala akong naging boyfriend no’ng college, kaya ‘wag ka na magbilang.



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now