Kabanata Fifteen: Salamat, Bansag! (Part 5)

31 6 0
                                    

Pet Names #2

Ang pagbibigay ko talaga ng pet names sa mga klasemeyts at kaibigan ko ay lumala no’ng ako’y naging estudyante na sa bagong eskuwelahan kong nilipatan no’ng college.

Shotahong – kaibigan kong tomboy sa nilipatan kong kolehiyo siya lagi ang kasama ko unang araw pa lang ng klase kami na agad ang nagkausap. Masaya kasama ito si Shotahong mapa-review, inuman, tambay o gala. Sho- as in syota, tahong as in babae. Ako naman tawag niya sakin ay Shotalong. Sho- as in syota, talong as in lalaki. Perfect combination, right?

VFF – my one and only Valuable Friend Forever. Hinding hindi ko makakalimutan no’ng first day of class ang tawag niya pa sakin ay “kuya” nakakaloka talaga. Pero no’ng umusad pa ang ilang linggo nalaman niyang “ate” pala dapat ang tawag niya sa akin. Ha-ha! Nag-click kami at naging super close at ito na nga may “forever” na sa tawagan namin. Isa sa pinaka maporma kong kaibigan pero isa din sa kapaligsahan ko sa utak.

Kabs – no’ng umpisa hindi malaman ng mga klasmeyts namin kung ano ang meaning ng tawagan naming Kabs akala nila “kabayo”. Ang tawagan namang ito ay nagsimula dahil sa kalandian, ‘yong katawagan ko kasi nito ay sadyang kabit noon (pero nagbago na daw siya, weh?) at ako kabit din (nangangarap na kabit no’ng crush ko) kaya ‘yon naging Kabs tawagan naming dalawa, pinaikling kabit. Mga kabit. Super love ko ‘tong si Kabs kasi kasundo ko siya sa kalandian lalo na no’ng nag-internship kami sa Boracay, ay ‘day, for one month puro kami bird watching!

Chin-chin – 'yan ang naging tawag ko sa unang naging “crush” ko sa nilipatan kong kolehiyo. Tuwing magka-chat kami sa FB o sa YM ‘yan tawag ko sa kanya tapos Lags naman tawag niya sakin gawa daw ng apelyido ko. Kakaiba ang meaning nito sa Japanese eh nakakatawa, kaya nga tuwing tinatawag ko siyang Chin-chin ko, feeling ko kausap ko sarili kong something. Haha! Bastos!

Moks – ang una ko talagang naging tawag sa kanya ay Luluboy gawa ni Billy Crawford ‘yon kasi tawag niya kay Luis Manzano eh, kaya hangang sa klase nadala ko ang pagtawag sa kanya ng Luluboy. LiFe naman sumunod kong tawag, hindi dahil buhay ko siya (hindi nga talaga lang ha?) ngunit dala sa pangalan niyang Louise Fernan. Kinuha ko ang L at I sa Louise at F at E sa Fernan kaya naging gano’n wag kayong gawa isyu, ha-ha! At kalaunan naging Moks na tawagan namin short for Mokong. Sa totoo lang, sa kulit at sa pogi ni Moks hindi ko siya naging “crush”… ever! PROMISE! Haha!

Pa – bakit “Pa”? Well, una hindi ko siya syota at lalong hindi ko siya tatay. Kaya “Pa” kasi nakikiuso lang ako. Lahat kasi ng klasmeyts namin ang tawag sa kanya “Pa” kaya gano’n na din tawag ko pero ang totoong paliwanag ko diyan ay dahil Palines ang apelyido niya kaya “Pa” na lang para maiksi, para cute kamuka ko.

Girlfriend – siya ay ang kasintahan ni Pa noong kami ay nasa kolehiyo pa (noong, meaning past tense! Okay?). Tinatawag din siyang Ma. Mahal na mahal ko ‘tong babae na ito kahit lagi akong sinasaktan. Girlfriend tawagan namin as in Babaeng-Kaibigan puwede ring babaeng syota, super ganda pa naman nito, Heart Evangelista ang face. Pero binasted ko siya eh, at bestfriend lang talaga. Ha-ha! Bestgirlfriend… tapos gano’n din tawag niya sa akin, saya saya naging babae din kahit na sa tawagan lungs.

FRF – ang tawagan naming ito ay impluwensiya ng idol naming si Tyra Banks, uh huh! Tawag kasi ni Tyra sa mga babaeng plus-sized o full figured ay Fiercely Real, eh parehas kaming fiercely real ang katawan (ako noon lang ha si FRF forever na, ha-ha!) kaya naging FRF ang tawagan namin na ang ibig sabihin ay Fiercely Real Friend at totoo naman isang napakahabang listahan ng pagkakatulad ang meron kami ni FRF kaya super nagja-jive kami: Tyra, music, libro, at pagsusulat. Hindi lang ‘yon nag-evolve na din ang meaning ng FRF sa ‘min, ibig sabihn hindi lang dahil sa katawan namin ngunit pati na din sa pagiging Real Friend o totoong kaibigan namin sa isa’t isa daig pa ang mag-syota, mag-bestfriend at magkapatid ang turingan namin.



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now