Kabanata Seven: Sikat Ka Ba? (Part 4)

70 8 0
                                    

Shufer-models

Kay rami ko ding mga nakilalang ganito no’ng ako’y nag-aaral pa lalo na no’ng kolehiyo, no’ng hindi na masyadong sikat ang mga uniforms.

Ayon na nga dahil hindi na nga sikat masyado ang mga uniforms eh ‘di pormahan day lagi, mapa-babae o lalaki nakaporma. Mga lalaki ang gaganda ng bagong polo, kumikintab na sapatos, at nagsusumigaw na buhok. Mga babae kumikintab na skirt, pataasan ng kilay, paputian ng muka at papulahan ng labi.

Mga estudyanteng isinilang na mga fashionistas pero tanungin mo kung ano ang assignment sa Math class niyo o English class, walang maisasagot. Binuhos kasi ang oras at pera sa pagpapaganda ng panlabas nilang kaanyuan.

Hindi naman masamang pumorma eh, siyempre we all want to look presentable, right? Pero sana naman mag-gugol din tayo sa pag-aaral hindi lang sa pag-aayos ng style ng buhok o paglalagay ng make-up sa mukha. Very good kung fashionista ka na tapos mga grades mo puro uno pa, katulad ko (yabang lang ‘no?), eh pano kung hindi? Wag kang mag-alala kaya nga inimbento ang salitang hiya eh. Puwede ka pa rin namang mahiya sa mga magulang mong naghihirap para pag-aralin ka. Hiya lang. ‘Wag walanghiya.



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now