Kabanata One: Ang Magkakapatid (Part 1)

51.3K 730 480
                                    

Ang Maikling Alamat Ng Barrio Dimatino

Merong isang barrio na tawagin na lang nating Barrio Dimatino. Masaya sa naturang lugar. Sa unang kanto ay may inuman at sa kabilang kanto naman ay may mga nagkara-krus. Sa susunod na eskinita, makikitang may mga nagsasaksakan. Sa bandang looban, may bingohan at iba pang pasugalan naman ang nagkalat sa gilid nito. Sa kabilang kalye, may holdapan. At sa susunod na kalsada, may fiesta ng mga tambay.

Laging busy ang lugar nila, 'di nawawalan ng tao sa kalsada mapa-umaga, hapon o gabi, tirik ang araw o maski umuulan pa. Buhay na buhay ang komunidad nila, asensong asenso nga, eh. May fountain pa sa barangay hall nila at naka-limousine pa si Kapitan-galing lahat sa pinagkakitaan sa pasugalan, kara-krusan at binguhan. Kaya kung bored ka na sa barangay ninyo lipat na sa Barrio Dimatino, just bring your résumé or bio-data, at naka-formal attire dapat ha, and be ready for your one-on-one interview with Kapitan Gin.

Sa nasabing barrio may nakatirang magkakapatid na itago na lang natin sa 'ngalang: Plastikera, Saksakera at si Tsismosa. Actually sila ang bida ng kabanatang ito eh, so focus tayo sa kanila, ha. Masasaya silang magkakapatid. Madaming kaaway sa school, kasigawan, kamurahan, kasabunutan, bidang-bida sila sa school. Sikat, eh. Mga schoolmates, professors, maski dean nila close nila, dikit kumbaga, lagi ba naman silang nasa office ng dean, eh. Tignan ko lang kung 'di sila maging gano'n ka-close.

Maraming mga makabuluhang bagay ang nangyayari sa buong araw ng magkakapatid ngunit sadyang mas marami lungs talaga ang walang kwentang bagay na nangyayari sa araw nila. Puro cutting classes, hamunan sa labas kung away o gulo, pikunan, at tour sa guidance office. Kahit ganito sila araw-araw, isa lang masasabi nila, "Masaya kami. Wanna join?"



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon