Kabanata Fourteen: Last Mo Na 'Yan! (Part 5)

40 5 0
                                    

Likes and Dislikes

Likes: nice and good people; Dislikes: bad and gago people. –Allan
Nakakaloko lang na sagot, ha. Binaligtad lang halos.

Likes: mabait, handsome siyempre; Dislikes: mayabang more bisyo. –Cherry

Ano ito pinakilala mo lang ba ang syota mo sa amin ha Vitz?

Likes: mabait, thoughtful and loyal also caring; Dislikes: liar, backfighter, selfish. –Kimberly

Ano 'yon ulit? Liar, backfighter at selfish? Ikaw yata ‘yon ha. Joke lungs.

Likes: matulog; Dislikes: ‘yong ayaw ko. –Louise

Ang literal ng likes, ha. Matulog talaga? ‘Yong dislikes, ‘yong ayaw mo talaga? Ano ito definition.

Likes: gusto ko; Dislikes: ayaw ko. –Jaekob

Isa pa ito napaka-literal, kaloka! Kayo na magaling mag-define. Haha!

Likes: makulit, mabit, mahal ako… char!; Dislikes: epal, kj etc. –Bea

Gusto ko din ‘yong mahal ako. Maka-etcetera sa mga dislikes mo ha parang ako 'yon, ha.

Likes: people who are “rock en roll”; Dislikes: maarte parang gano’n “conyo” –Melanie

Ano ‘yong conyo? Parang dislike ko na din 'yon. Artimuch!

Likes: totoo, mabait, ka “vibes ko”; Dislikes: maarte, mayabang, malandi, papansin. –Rox

Kaloka ‘yong dislikes parang ako lang lahat ha. Lalo na ‘yong malandi.

Likes: lahat ng magagandang things, like ko!; Dislikes: ‘yong mga feeligera’t feelingero. –Wena

Wow! Buti na lang maganda ako, ha.

Likes: basta positive saka GV; Dislikes: e di negative, BV. –Franz

Ehem. No comment ako diyan. Bakit? Wala ka paki. Taray. Haha!

Madami nga tayong mga likes at dislikes na mga tao at pati narin mga bagay. Alam mo kung bakit? Kasi lahat ng tao sa buong mundo ay mga observant at lahat ng tao sa buong eskuwela ay puno ng iba’t ibang klase ng tao na maaari mong magustuhan o kamuhian pero ang tanong gusto ka din ba nila o kinamumuhian pala? Kaya ‘wag kang chukadera!



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now