Kabanata Nine: My College Life (Part 1)

69 8 0
                                    

Para Sa Mga Collegemates Ko

Sabi nga nila pinakamasayang parte daw ng buhay ng isang tao ay ang pagiging high school student, pero siguro kaya nila inimbento ang ganitong principle in life ay dahil hindi halos lahat sa kanila ay nararanasan maging isang college student, siyempre lalo na ang mga kapos sa buhay kaya hindi nila alam kung talagang masaya ang kolehiyo o hindi. Para sa akin masaya ang pagiging estudyante sa high school pero mas masaya parin ang pagiging kolehiyo, bakit? Well, oo tama na mahirap maging kolehiyo, pero ito’y mahirap na masaya, mahirap dahil sa mga school projects, sandamakmak na reports, homeworks, studies at mga nakakahilong quizzes, tests at exams. Pero ang masayang parte ng pagiging kolehiyo ay dahil mas madami ka ng bagay na puwedeng gawin dahil na sa tamang edad ka na, katulad ng pag-iinom, paninigarilyo, pagpunta sa mga bars at clubs, pag-nood ng mga rated 18 na pelikula, pagbabasa ng mga adult magazines at iba pa, in short kapag kolehiyo ka na mas marami ka ng to-do-list ng katarantaduhan. Pero paalala ko lang ha hindi ko kayo ine-encourage na maging tarantado, mas maganda paring maging talentado. Charaught!

Ang kabanatang ito ay alay ko sa mga pinakamamahal kong mga collegemates na nakasama ko sa iba’t ibang hirap ng pagiging kolehiyo at kadamay ko sa mga kalokohan sa buong college life ko. Ang tawanan, biruan, kopyahan, tagayan, hithitan at damayan kapag may mga problemang pag-ibig (ayiiieee, nakaka-relate siya). Mga tunay ngang kaibigan.

Sa buhay kolehiyo ko nagkaroon ako ng dalawang unibersidad na pinasukan hindi ko na babangitin kung ano ang mga ito alam na ng mga klasmeyts ko kung sino sino sila. At baka sumikat pa ng lubos ang mga kolehiyo kong pinasukan kapag binanggit ko pa.



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now