Kabanata Six: Subject Ng Ina Mo! (Part 6)

68 8 0
                                    

Isa Kang F.O.

Dumako naman tayo sa mga subjects no’ng College. Napaka dami nito at halos lahat nakakadugo ng utak. Hemorrhage ang abot mo sa sobrang hirap ng mga subjects pero may mga madadali din naman katulad ng major subject ko dati na Front Office (F.O.).

Sa super dali ng subject na ito wala ako masyadong maalala puro role playing lang kasi ginawa namin dito eh. Role playing about sa telephone manners, about sa Front Office mismo, kung paano ka tumanggap ng mga guests sa hotel.

Naalala ko tuloy isang beses no’ng college sa F.O. subject ko hindi kami pumasok, mga sampu kami sa klase nag-inuman lang kami sa boarding house ng klasmeyt namin. Pasaway ‘no? Well, that was before. Hindi na kasi ako umiinom ng alak now eh. Totoo ‘yan. Honesto! Anyway, tapos kinabukasan ‘yong professor namin tinatawag na kaming, “Oh Emperador kamusta kayo ni Red Horse kahapon, ikaw Cossack masaya ba?” Nakakaloka talaga, head class officer pa naman ako noon, ayon bingong bingo kami. Ipapa-dean’s office pa kami, kaya nakiusap na lang ako sa professor namin na ‘wag na kaming ipa-dean’s office di na lang namin uulitin yun. Buti na lang nabola ko si ma’am. Lakas ng convincing powers ko talaga. Ewan nga namin kung sino ang balimbing na nagsumbong sa amin eh. Yari talaga siya sa ‘kin ‘pag nalaman ko ang pagkatao niya gagawin ko siyang hayop! Promise. Honesto!


       
BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now