Sa ilang araw ko rito, marami akong napansing pagkakatulad ng San Fernando sa ilang parte ng San Ignacio sa hinaharap. Pakiramdam ko tuloy ay biglang naglaho sa pagkakakilanlan ng marami ang San Fernando at naging parte na lamang ito ng San Ignacio. Pero bakit? Anong nangyari? O dapat bang tanong ko ay kung ano ang mangyayari?

"Gusto ko iyan. Tara at dalhin natin si Mira sa lawa." Sa isang iglap ay hila-hila na ako ni Laura at Paulita papunta sa likod ng Bahay Aliwan. Subalit, ganoon na lang ang pagkatigalgal ko nang marating namin ang gusto nilang puntahan ko. Hindi nga ako nagkamali, ang Lake of Happiness nga ang pinuntahan namin. Naroon ang pamilyar na tanawin, ang mga maliliit na puno na sa hinaharap ay talagang nagtatayugan. Ang napakalinaw na lawa at ang hindi pa naglalakihang punong kahoy na sa hinahaharap ay naroon pa rin bilang matatayog na puno na nagbibigay lilim sa lawa. Palibot ang lawa kaya naman tanaw ko rin maging ang Hacienda Laong bagamat malayo-layo ito. Maging ang karatig bayan na siyang San Ignacio ay natatanaw ko mula rito.

Subalit tila may kung anong sumasaksak sa puso ko nang mapagmasdan iyon. Bigla ay parang bumalik bilang isang alaala sa akin ang nangyari kay Olivia sa first chapter ng kwentong Arrow Pen. Napapikit na lang ako sa hindi maintindihang dahilan.

"Ang ganda, hindi ba Mi— b-bakit ka umiiyak?" Napamulat ako nang marinig iyon kay Paulita. Agad kong kinapa ang mukha ko at doon ko nga nakumpirma na umiiyak nga ako. Bagama't hindi maintindihan ang sariling emosyon ay pinilit ko na lang magkibit-balikat at ngitian na lang siya.

"Sapagkat napakaganda rito. Hindi ko mapigilang hindi maluha sa saya, Paulita." Natawa na lang siya sa sinabi ko. Bagama't pinagtaasan ako ng kilay ni Maria ay hindi ko na lang siya pinansin.

"Ikaw pala ay napakamaramdamin, Binibining Mira," natatawa na ring turan ni Laura. Tumawa na lang din ako.

"Siguro ay maupo muna tayo at pagmasdan ang napakagandang tanawin na ito," usal ko na lang na agad naman nilang sinang-ayunan.

Sa pagmamasid sa paligid, hindi ko maiwasang hindi mapaisip ng malalim. Hindi naman ako ganoon kabobo para hindi maintindihan ang lahat. Nandito ako para alamin ang mga mangyayari sa buhay ni Olivia nang maisulat iyon ni Ten ng detalyado sa hinaharap. Hindi ko inaakalang mangyayari sa'kin 'to. Anong klaseng sorcery ang nangyari sa akin at nakapagtime travel ako rito? Hindi kaya may powers si Ten? Iyon kayang ibang story niya ay totoo rin kaya?

Hay! Nakakabaliw ang mag-isip kaya naman minabuti ko nalang magkibit-balikat at makihalo sa kwentuhan nila Paulita.

Ikinwento nila sa akin ang unang beses nilang pagtatrabaho sa aliwan na ito. Sinabi rin nila sa akin kung saan sila nakatira at kung ano-ano pa tungkol sa buhay nila. Inamin din nila Laura na hindi sila maalam magsulat at magbasa kaya naman pag-awit ang pinagkakakitaan nila. Ang tangi nilang nababasa ay ang mga liriko ng kantang itinuturo sa kanila ni Madame Racelita. Sa panahong ito, hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral. Nakakalungkot lang na sa panahon sa hinaharap ay maraming oportunidad na makapag-aral subalit nagbubulakbol lang ang karamihan. Hindi nila naisip na noon ay ninais ng lahat ang makapag-aral.

Sa pag-u-usap naming iyon ay naging close kaming tatlo. Magaan talaga ang loob ko sa kanila, isang factor na roon ay dahil kamukha nila ang mga kaibigan ko sa hinaharap. Bagama't iba ang kanilang pangalan, katayuan at pinanggalingan. Ang kanilang ugali ay walang pinagkaiba sa mga kaibigan ko dahil sa kanila ay panandalian kong nakalimutan ang aking mga alalahanin.

"Pasumandali, kayo ba ay nakabili na nang inyong susuotin para sa pagtatanghal mamayang gabi?" Doon na bumalik sa alaala ko na kaya nga pala puspusan ang pagpa-practice sa amin ni Madame Racelita ay dahil na rin sa gaganaping pagtatanghal namin mamaya. Kakanta kami bilang mga anghel na magpupugay sa pagsilang ni Hesus habang umaakto ang bawat miyembro ng teatro. Isang maikling palabas bilang paghahanda sa pasko.

"Hindi pa ako nakapaghahanda, Laura. Ano na lamang ang gagawin natin?" nag-a-alalang pag-amin ko.

"Kung gayon ay magmadali kayo. Tayo ay magtutungo sa pamilihan ngayon din." Tuluyan nang tumayo si Maria mula sa pagkakaupo sa damuhan at napatakbo na pabalik. Agad naman kaming nag-si-sunod sa kaniya. Mapalad na lang ako at iniwanan ako ni Carlos ng pilak nang ipahatid niya ako sa kalesa kanina. Malaki talaga ang utang na loob ni Olivia kay Carlos na ngayon ay utang na loob ko na rin.

Naglakad na lang kami patungo roon. Bagama't hindi sanay ay minabuti ko nalang na hindi magreklamo. Pinili naming bilhin ang mga puting saya na aming nakita. Isinuot namin iyon para sukatin at nang makuntento ay binili na namin iyon. Matapos ay bumili na rin kami ng ilang palamuti sa buhok. Napamahal man ay mababawi naman daw nila iyon kapag sila ay sinahudan na ni Madame Racelita.

Kaunti na lamang ang natira sa pilak na meron ako nang kami ay pabalik na. Balak ko sanang itabi iyon in case of emergency pero natigilan ako nang madaanan namin ang isang tindahan na siyang dinayo namin kamakailan lang nila Carlos. Doon ko muling namataan ang plumang kinahihiligan ni Leonardo pero hindi naman niya binili.

"Saglit lamang, mga binibini." Matapos kong sabihin iyon ay patakbo na akong nagtungo roon dala ang sisidlan ng mga pinamili. Habang kinakatitigan ang napakagandang pluma ay hindi ko maiwasang hindi maulinagan ang sinabi ni Leonardo.

"Ibinili kita ng kwaderno hindi ba dapat ay ibili mo rin ako?"

Napangiti na lang ako.

"Magkano po ito?"

A/n: Special thanks to BedazzledYang for voting and for adding this book to your reading list. Actually nawawalan ako ng inspiration sa kwentong ito. Kanina ay hindi ko talaga sya madugtungan. Malaking tulong ka sa pagbuo ko ng chapter na ito. Thank you.

I M _ V E N A

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt