🖤4

475 21 6
                                    

CHAPTER 4:

"Living turon, kakain na tayo." Tawag ni kuya Temper Nilingon ko siya.

Tinignan ko siya nang masama sa tinawag niya sa'kin.

Nilapag niya isa-isa ang mga pagkain at hinubad ang apron niya. Tumayo ako at pumunta sa dining area. Nakakalungkot na kaming dalawa lang lagi ni kuya Temper ang kumakain. Minsan lang namin makasalo si mommy sa pagkain dahil palagi naman itong nag o-over time.

At si Daddy... Hindi namin siya kasama may ibang pamilya na siya kaya si mommy nalang ang kasama namin sa buhay.

Pero hindi naman siya nag kukulang sa pag susustento sa amin. Monthly niya kaming binibigyan ng pera ni kuya Temper. Iba din ang binibigay niya kay mommy para sa pangangailangan naming dalawa.

"Unblock mo ako, Tam. May itatag ako sa'yo." Sabi ni kuya Temper nang makaupo ako.

Inirapan ko siya at naglagay ng kanin at hotdog sa plato ko. Baka ba kami para magluto siya ng damo? Hindi ko alam kung inaasar niya ba talaga ako kaya ganito ang niluto niya o sadyang gusto niya lang talaga ng ganitong pagkain.

"Ayoko nga."

Kinagat ko ang hotdog at sumubo ng kanin nakita kong masamang nakatingin sa akin si Kuya Temper habang nginunguya ang hilaw na kamatis. Seriously? ginawa niyang mansanas ang kamatis? kadiri ka talaga kuya.

"Kumain ka ng gulay. Pampalaki 'yan ng Boobs."

Nilagyan niya ng adobong sitaw at pakbet at kung ano ano pang gulay na niluto niya ang plato ko.

"Kuya! Ayoko nga ng gulay!" Sumandal ako sa upuan at humalukipkip.

Sumimangot ako.

"Kakain o iiwan? Choose Tammy?" Banta niya.

Ngumisi siya at sumandal sa upuan.

Tinatakot na naman niya ako. Alam niya kasing matatakutin ako at ayokong naiiwan mag isa dito sa bahay.

Sumimangot ako at matalim siyang tinignan kasabay nang pag subo ko sa sitaw. Nilunok ko iyon ka agad para hindi ko malasahan.

"Okay na! Kinain ko na." Sigaw ko. tinaasan niya ako ng kilay.

"Eat more, isa lang iyon, ubusan mo iyan." Sabi niya at sumubo sa pagkain niya.

"Kuya ayoko na! Ang panget ng lasa." Nakasimangot na sigaw ko.

"Mas panget ka kaya. Dinamay mo pa yung gulay." Aniya.

Inirapan ko siya sa sinabi niyang iyon.

"Ang arte mo, Tammy! Kumain kana! Yung ibang tao nga wala ng makain, alam mo ba yung bata na nakikita mo sa kalsada hindi iyon ku..."

"Kuya, stop! Para kang nanay!" Putol ko sa sermon niya at mala documentary niyang kwento tungkol sa mga batang hindi kumain.

Habang nilalaro ko ang pagkain ko hindi ko namalayan nasa tabi ko na siya.

"Susubuan o kakain mag isa?" Tumingin siya sa akin.

Nilingon ko siya.

Ngumuso ako, bakit ba pinipilit niya akong kumain ng gulay ayoko nga!

"Kuya ayoko nga kasi, nakakasuka kaya!"

Kinuha ni kuya Temper ang kutsara tsaka ito nilagyan ng kanin at ulam. humarap siya sa akin.

"Open your mouth baby sis." Pang aasar niya pa.

Nilapit niya sa bibig ko ang kutsara na may laman. Sumimangot ako at masama siyang tinignan.

My Brother Is Annoying Donde viven las historias. Descúbrelo ahora