🖤5

449 19 2
                                    

Chapter 5.

Akala ko katapusan na nh buhay ko. Habang nasa biyahe papunta sa school hindi ko na naisip na makarating pa doon dahil akala ko mamatay na kami.

"Ayos ka lang?" Tanong ni kuya.

"Oa mo Tams, kung gusto kitang patayin sa likod kita pina-upo." Dagdag niya pa.

Tulala pa rin ako. Yung kaluluwa ko naiwan yata sa highway. Kabado pa ako dahil wala siyang driver license. At minor lang kaming dalawa.

Pigil na pigil ang paghinga ko hanggang huminto kami sa tapat ng school. Mabili kong binaklas ang kamay niya na nakapatong sa kamay ko at agad na bumaba, habol habol ko ang hininga ko.

Narinig ko siyang tumawa. Hinampas ko siya ng bag ko.

"Gago ka! Akala ko mamatay na ako! Hindi na ako sasakay diyan kahit kailan! Tandaan mo iyan!" Tinalikuran ko siya.

"Okay! Aral mabuti babysis!" Sabi niya at kumaway nang lumingon ako.

Inirapan ko siya at naglakad na papasok sa school. Habang naglalakad papunta sa room nakasalubong ko si Marga.

"Hala! Tammy, Anong nangyari sa'yo? Sinaktan kaba ng alipores ni Anne? Ayos ka lang bat ang gulo ng buhok mo?" Sunod sunod na tanong ni Marga sa'kin.

"Oo sinampal niya ako ng dalawang beses. Nag motor ako papasok kaya magulo buhok ko." Sinagot ko ang mga tanong niya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad nakasunod naman agad siya sa akin.

"Tammy, marunong kang mag drive?"

"Hindi no! Sinakay ako ni kuya sa motor niya."

"Hehe, pero iyon lang ba nangyari sa'yo?"

"Oo, dahil dumating naman si kuya at si kuya Art."

Malalim na hininga ang pinakawalan ni Marga habang nakahawak sa dibdib niya.

"Mabuti naman! Sorry, Tammy. Hindi kita natulungan alam mo namang hindi ako matapang. Naguguilty ako."

Hinawakan ko ang balikat niya.

"Ano kaba! Okay lang! At least hindi ka nadamay, okay lang Marga." Sabi ko, malungkot na ngumiti si Marga pagkatapos ay tumango.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa room.

Bumungad sa amin ang mga kaibigan ni Anne the fungi na nag-uusap. Naglakad ako at umupo sa upuan ko, katabi ko si Marga.

"Ang gwapo pala ni Zico, grabe sobrang tangos ng ilong niya at sobrang pula ng labi niya, and guess what? Hinalikan niya ako."

Napahinto ako sa sinabi niya. Hinalikan? Pero hindi siya hinalikan ni kuya. Zico? Sino iyon!

"Oh my! Really? By the way who's, Zico?" Tanong ni Franz.

"Temper Severo."

Duh! Temper 'yon! Hindi Zico.

"What?! Kapatid ni Tammy?" Aniya, nilingon pa ako.

"Yes."

"Oo nga, ang gwapo nga ni Temper. Kagabi... grabe Franz! kung nakita niyo siya kagabi maiinlove kayo." Sabi ni Hera.

Mga bulag! Gwapo si kuya Temper? Ha? Talaga lang ha sabihin niyo talagang malandi lang kayo kaya pati si kuya Temper gusto niyo.

Gwapo daw? Patawa naman sila ang panget niya kaya.

Siniko ako ni Marga kaya nilingon ko siya.

"Tam, Si Anne." Aniya at Tumingin sa likod ko, lumingon ako sa likod.

My Brother Is Annoying Where stories live. Discover now