🖤36

40 0 0
                                    

CHAPTER 36.

"Bakit ang tagal niya? Nag extend ba yung babae?" Tanong ni Marga habang pinanood namin si kuya Temper.

"Hindi ko alam."

"Kailangan ko ng umuwi mamaya, Tams."

Hindi ko siya sinagot. Si kuya Temper ulit ang tumitira habang nakatingin sa kaniya yung babae.

Sabi ng staff Dani ang pangalan nung babae. Nakita kong kinagat ni kuya ang labi niya habang nakangisi. Kumuha siya ng chips at sinubo iyon. Yung babae naman ang tumitira ngayon.

"Hoy ang harot nung babae, nakita mo ba kung paano siya lumingkis kay kuya Temper!" Sabi ni Marga, parang sasabog na siya sa inis.

"Oo, malandi." Sabi ko habang nakatingin pa rin sa kanila.

Lumapit yung Dani kay kuya at sinubuan niya ito ng chips habang tumitira si kuya Temper.

Nahulog yung bola, nakatama siya.

"Miss, uhm, pasensya na po nag extend po kasi si ms. Dani. Hindi namin siya pwedeng hindian dahil regular customer namin siya at vip po." Nahihiyang sabi nung babae kanina. "Kung gusto po may iba pa kaming staff na pwedeng mag assist sa inyo." Dagdag niya pa.

"Okay lang po, paalis na rin kami, next time nalang po." Sabi ko.

Tinakpan ko ang bibig ni Marga dahil gusto niya mag protesta sa sinabi ko.

"Pasensya na po talaga."

"May tanong lang ako, yung Dani ba si kuya--- si Zico lang ba kinukuha niya?" Tanong ko.

"Ah yes po, araw araw nandito si ms. Dani para kay Zico. Nagrereklamo nga ang ibang customer dahil laging naka reserve si Zico."

"Sige, thank you!"

Umalis na yung babae kaya tinanggal ko na ang kamay sa bibig ni Marga.

"Malandi siya!" Sabi ni Marga habang nakatingin doon kay Dani.

"Totoo, malandi siya." Sabi ko rin.

Nanlaki ang mata naming dalawa ni Marga nang makita naming sinubukan halikan nung Dani si kuya Temper pero umiwas si kuya Temper kaya nasubsob siya sa leeg ni kuya Temper.

"Nakita mo 'yon Tammy? Malandi talaga siya!" Napatayo si Marga.

Hinila ko siya agad baka makita kami ni kuya dahil tumingin siya sa pwesto namin pero mukhang hindi naman niya ako nakita.

"Control yourself, Marga. Ano kaba!" Sabi ko, parang kaming tanga nasa ilalim ng lamesa.

Sinilip ko si kuya Temper, kausap niya ngayon yung babae kanina habang nakatingin sa table namin.

Nakita niya ba? May binulong siya doon sa Dani pagkatapos ay naglakad papunta sa table namin.

Pupuntahan niya ba kami?! Nakita niya kaya kami?

"Tara na dalian mo!" Bulong ko kay Marga. Gumapang kami hanggang sa kabilang table at sumabay sa mga paalis.

Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas kami doon. Lumingon ako, mukhang hindi naman niya kami sinundan.

Nag para na kami ng taxi ni Marga pauwi. Habang nasa taxi panay ang rant naming dalawa kung gaano kalandi ang babaeng iyon.

"Hindi kaya cheater si kuya Temper?" Sabi ni Marga.

Sa tingin ko hindi naman, trabaho niya iyon. Saka kung nag chi-cheat nga siya edi sana hinayaan niyang halikan siya nung babae? Pero umiwas siya e kaya siguro hindi naman. O baka pwede rin may policy na bawal mag kiss doon. Pero sa ibang lugar ginagawa nila? Ganon ba!

My Brother Is Annoying Where stories live. Discover now