🖤54

21 1 0
                                    

CHAPTER 54:

"Saan ako matutulog?" Tanong ko kay kuya Temper nang mag gabi na.

Alas syete palang ng gabi nag a-aya na siyang matulog. Samantalang dati umaabot pa siya ng umaga.

"Sa kwarto ko." Sabi niya habang nag huhugas ng plato.

Sinundan ko kasi siya dito sa kusina habang si Art ay may kinukuha sa sasakyan.

"Saan kayo ni kuya Art?" Umupo ako sa silya habang pinapanood siya.

"Sa sala." Binalingan niya ako. "Huwag mo akong istorbohin, samahan mo si Art doon sa labas." Masungit na sabi niya.

Bakit naman nag su-sungit bigla. Kinakausap ko nga siya para hindi siya mainip sa paghuhugas niya ng mga plato.

"Sungit mo naman 'yan ba natutunan mo dito." Sabi ko at inirapan siya. "Hindi na kita kilala." Dagdag ko pa para makonsensya siya sana lalo.

Hindi niya lang ako pinansin at tinuloy ang ginagawa.

Sa totoo lang nahihirapan ako ngayon. Nahihirapan ako pakisamahan siya kasi pakiramdam ko nag bago siya. Hindi ko na alam kung paano siya kakausapin, kung kagaya pa'rin ba siya ng dati.

Kasalanan niya 'to! Kung hindi siya alis ng alis edi sana hindi ako naninibago sa kaniya ngayon.

Sa inis ko sa kaniya dahil hindi niya ako pinapansin lumabas nalang ako at pumunta sa labas ng bahay para tignan sana si kuya Art.

Naabutan ko si Way na may kausap na dalawang babae. Hindi ko siya pinansin at hindi rin naman niya ako pinansin kahit nakita niya ako.

Pinakinggan ko kung anong pinag uusapan nila.

"Way, sino ba yung poging lalaki kanina kasama ni Zico? Kapatid niya ba 'yon mag kamukha sila." Sabi nung isang babae.

"Yung babae ang kapatid ni Temper." Sagot ni Way.

"Pakilala mo naman kami doon sa lalaki, Way. Buti ikaw may Zico kana." Inaasar nung isang babae si Way.

Tumawa si Way na may halong kilig. Napairap ako sa pinag u-usapan nila. Alam ko naman talagang may gusto si Way kay kuya.

Babae ako syempre nararamdaman ko iyon. Kung paano siya dumikit dikit sa kapatid ko halatang may iba.

"Oo nga, Way, ano na ba kayo ni Zico? Nanliligaw na ba siya sayo?"

Tumawa lang si Way sa tanong na iyon. Gusto ko sana malaman kung anong sagot niya pero hindi siya sumagot at saktong nakita na ako ni kuya Art.

"Bakit ka nasa labas?" Tanong ni Art.

"Nagpapahangin lang ako." Sagot ako at kumapit sa braso niya.

Pinakita ko talaga iyon sa mga kaibigan ni Way para malaman nila na off limits si Art. At malaman nilang may girlfriend siya.

"Pumasok na tayo." Malambing na sagot niya sa'kin.

Nasa likod ko ang kamay niya habang papasok kami at syempre nakita iyon ng mga kaibigan ni Way.

Pagbalik namin sa loob ay naglalatag na si kuya sa sala ng higaan nila. Dito sila matutulog?

"Okay lang ba dito ka matulog, Art?" Tanong ni kuya Temper.

"Walang problema, tol." Sagot ni kuya.

Napansin kong nakatingin si kuya Temper sa kamay kong nakahawak sa braso ni Art kaya tinanggal ko iyon agad.

"Matulog na tayo maaga kayong aalis bukas." Sabi niya at nagbaling ng tingin.

Umupo ako sa upuan.

"Sino bang nagsabing aalis kami bukas. Dito muna kami." Sagot ko.

Tinignan ako ni kuya gamit ang matalim niyang mata. Kapag sa ibang tao ang bait niya tumingin kapag sa'kin hindi. Kapatid ko ba talaga siya?

Inirapan ko rin siya syempre.

"Hindi ba kayo u-uwi bukas, Art?"

Si Art nalang ang kinausap niya.

"May report ako bukas, kailangan kong bumalik ng Manila." Sabi ni Art kaya binalingan ko siya.

"Huh? Hindi mo sinabi sa'kin!" Nag react ako agad.

Kasi naman gusto ko pa maiwan dito at akala ko kasi sasama si kuya Temper pabalik.

"Sorry, Chica. Biglaan lang rin kanina ko lang nalaman." Sabi ni Art.

Sumimangot ako, ayoko pang umuwi!

"Okay lang." Ngumiti nalang ako.

Nakita kong ngumisi si kuya Temper kaya sinimangutan ko siya. Inaasar niya pa ako napaghahalataan tuloy ayaw niya sa'kin.

Kung naasar siya sa'kin lalo ko siyang i-inisin.

"Matulog na kayo." Sabi ni kuya Temper at nahiga.

"Maaga pa tol, ayaw mo uminom?" Sabi naman ni Art.

Umupo siya sa tabi ko.

"Mag ma-maneho ka bukas." Sagot ni kuya.

"Ikaw ba 'yan, tol. Tumatanggi kana sa alak ngayon." Biro ni Art at tumawa.

Tumawa lang si kuya Temper.

"Huwag mo ako hinahamon." Sabi ni kuya Temper at tumayo.

Pumunta siya kusina, pagbalik niya may dala na siyang beer. Napangiwi nalang ako kase naman nag latag na siya ng higaan tapos iinom sila dito?

"Dito kayo iinom?" Tanong ko.

"Sa labas." Sagot ni kuya Temper.

Dinala niya sa labas ang beer na dala niya, tumayo si Art at sumunod kaya lumabas na'rin ako.

Nandoon sila sa mesa kung nasaan si Way at mga kaibigan niya. Tumaas agad ang kilay ko nang makitang hindi pa papa sila umaalis doon.

"Zico, mag iinom kayo?" Tanong ni Way sabay tayo. "Lilipat nalang kami." Dagdag niya pa.

Binalingan siya ni kuya, nakita kong pinisil niya ang braso ni Way ay pinabalik ng upo.

Napairap agad ako.

"Okay lang samahan mo muna kami." Sabi ni kuya Temper.

Tinignan ako ni Art, ina-alok niya sa'kin sa upuan sa tabi niya. Yung mga kaibigan ni Way tumingin na'rin sa'kin.

"Matulog kana, Tammy." Sabi ni kuya ng hindi ako binalingan.

Mas naasar ako sa sinabi niya. Bakit ako pinapatulog? Bata ba ako, pwede na nga akong uminom.

Hindi ko siya pinansin at naupo nalang sa tabi ni Art. Nilagyan niya ng tagay ang baso ni Art.

"Wala kayong pulutan bibili ako Zico." Sabi ni Way.

Bida-bida talaga siya.

"Salamat, Way." Sagot ni kuya.

Tinignan ko ang mga kaibigan ni Way. Halatang kinikilig sila, yung isa nga nahuli ko pang nakatingin kay Art kaya ang ginawa ko kumapit ako sa braso ni Art.

Pinakita ko 'yon sa babae.

Narinig kong tumawa si kuya Temper habang nakatingin sa'kin. Anong nakakatawa?

"Art, nagseselos yata girlfriend mo." Sabi niya.

Girlfriend?

Oo, Tama naman na girlfriend ako ni Art. Pero hindi ko ini-expect sasabihin iyon ni kuya Temper.

Tumawa lang si Art.

"Selosa ang kapatid mo." Aniya, at hinawakan ang kamay ko.

Nanatili ang mata ni kuya Temper sa kamay namin ni Art ng ilang sandali, bago siya ngumisi at nag iwas ng tingin.

"Ayoko ng selosa, huwag mo na 'yan ibalik sa'kin." Sabi niya habang iniinom ang alak sa baso niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Ang sama naman niya!

"Wala naman akong balak ibalik pa sayo si Tammy." Sabi ni Art.

Matalim na binalingan ni kuya Temper si Art pagkatapos ay ngumiti lang.

Ang weird.

-Emotionalangels


My Brother Is Annoying Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon