🖤37

41 0 0
                                    

CHAPTER 37.

"Do you want chips?" Tanong ni kuya.

Naka pangalawang game na kami, ayoko na nga maglaro! Dahil kailangan ko ng umuwi. Kailangan ko siyang maunahan umuwi para hindi niya ako makita dahil sinabi kong sa bahay ni Marga ako matutulog.

"Ayoko! Ano... kailangan ko ng umalis." Sabi ko.

Tinignan niya ako pagkatapos ay tumingin sa relo niya. Nagkamot ako ng ulo, nakakainis!

Hindi ko pa siya natanong tungkol kay Dani dahil kailangan maging close muna kami. Baka isipin niya gusto ko siya kapag tinanong ko siya ngayon.

"Maaga pa naman." Tinaas niya kamay niya, pinakita ang oras sa'kin. "Kain tayo, libre ko." Aniya.

Napapikit ako, ano bang ginagawa niya! Ang panget ng disguise ko ngayon huwag niyang sabihin gusto niya rin akong landiin?

"P-Pero kailangan ko ng umuwi." Naglakad ako papunta sa table ko kanina.

Kahit hindi ko siya lingunin alam kong sinundan niya ako hanggang sa table ko. Kinuha ko ang bag ko, konti nalang talaga a-amin na ako na ako si Tammy.

"Then, can I get your number? Please" Hinarang niya ako.

"Huh? Bakit?"

"Baka hindi kana bumalik dito."

"Babalik ako!" Syempre naman babalik ako may kailangan pa ako e.

Huminga ng malalim si kuya Temper, para siyang tutang hindi napagbigyan.

"Zico."

May sasabihin sana siya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Dani. Narinig kong nagmura si kuya Temper nang lumapit sa kaniya si Dani at mabilis na lumingkis sa kaniya na parang ahas.

Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para umalis.

Bago makalabas ng pinto nilingon ko pa siya ng isang beses. I flinched when I caught him staring at me. Hindi ko iyon pinansin at tumalikod nalang.

Nang makasakay sa taxi hinubad ko agad yung mask at wig ko. Ang init! Ayoko na ulit 'yon suotin.

Huminga ako ng malalim habang minamasahe ang mata ko. Ang sakit sa mata ng ilaw doon. Nakasuot pa ako ng contact lense kaya ang hapdi ng mata ko.

Pagod na pagod ako nang makarating sa bahay. Hindi na ako kumain dahil kumain na ako doon. Ako yata nakaubos nung mga peanuts nila at chips habang naglalaro kami kanina.

Pagod na hiniga ko ang katawan ko sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si kuya Art.

Future boyfriend:
Nakauwi na ako, nasaan ka?

Future boyfriend:
Hindi ka ba susundiin ni Temper? Kung hindi susundiin kita.

Future boyfriend:
Nandito na ako, Tams. Sa gate, nasa room ka ba?

Nang makita ko ang mga text niya at nalaman kong hinintay niya ako sa school sobra akong naguilty. Tinawagan ko agad si kuya Art, sinagot naman niya iyon agad. Umupo ako sa kama habang humihinga ng malalim.

"Kuya... I'm sorry, naghintay ka." Kinagat ko ang labi ko.

"It's okay, Tams. Dapat tinawagan kita ng maaga." Aniya, at mahinang tumawa.

"Matagal ka bang naghintay?"

"Not really, nagtanong naman ako kay Marga."

"I'm sorry talaga kuya!"

"It's not big deal, Tams. Pero kung gusto mong bumawi samahan mo  nalang ako sa sunday."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Kung hindi niya iyon sasabihin. Buong gabi kong iisipin ang kasalanan ko sa kaniya.

My Brother Is Annoying Where stories live. Discover now