🖤 21

34 0 0
                                    

Chapter 21.

Hanggang sa bahay iniiisip ko kung saan ko naamoy ang pabango ng ate niya. Hindi kasi yun amoy ng babae, amoy lalaki siya kaya siguradong sa boyfriend niya iyon.

Natapos naman namin ang ginagawa namin bago mag gabi. Hinatid ako ng driver nila sa bahay, yung bisita ng ate niya hindi pa umaalis dahil noong umuwi na ako nandoon pa yung motorbike.

Tinext ko si kuya Temper kung anong oras siya uuwi. Mag oovertime si mommy ngayon at wala pa kaming pagkain. Si kuya Temper kasi ang nagluluto ng dinner na'min. Kung wala naman siya kakain nalang ako ng bread or ramen.

Pero nakakasawa ng kumain non. Gusto ko ang luto ni kuya Temper. Kahit bobo siya marami naman siyang talent.

Marunong siyang mag drawing, magaling siyang magluto, marunong siyang sumayaw, at maganda ang boses niya. Yon nga lang medyo boploks siya.

Or matalino talaga siya hindi niya lang pinapakita sa'kin? Nakita ko naman ang grades niya noong highschool siya. Puro line of 7, kaya sure naman ako na bobo talaga siya.

Lumabas ako dahil nakarinig ako ng kalabog sa taas. Natakot ako kaya hihintayin ko nalang si kuya dito sa labas.

Umupo ako sa sahig, nilagay ko ang tsinelas ko para hindi madumihan ang suot kong shorts. Alas syete na wala pa rin siya. Madalas naman bago mag ala sais nandito na siya, ipagluluto niya lang ako ng pagkain at aalis ulit para sa part time job niya.

Tinext ko siya pero wala akong nakuhang reply.

Sa huli naghintay ako sa labas hanggang alas nuebe pero hindi siya dumating. Pumasok nalang ako sa loob at pumunta sa kuwarto. Hindi na ako kumain.

"Mommy, si kuya Temper hindi niya ako pinagluto kagabi hindi tuloy ako kumain." Sumbong ko.

"Next time mag order ka nalang kung wala pa ang kuya mo." Sabi ni mommy, pinagtimpla niya ako ng gatas.

Napahinto ako sa pag inom nang marinig ko ang tunog ng motor sa labas. Pumasok si Temper sa loob at nilagay ang helmet niya sa lagayan nito pagkatapos ay lumapit siya kay mommy at hinalikan niya ito sa pisngi.

Ngayon lang siya umuwi?

"Temper, bakit hindi ka umuwi? Iniwan mo ang kapatid mo dito mag isa." Sabi ni mommy.

"Nag overnight ako bahay ni Art." Tinignan ako ni kuya. "Malaki na naman si Tammy kaya na niyang mag isa." Sabi niya at ginulo ang buhok ko.

Anong malaki fifteen years old lang ako! Naramdaman ko na parang may nakabara sa lalamunan ko. Ito ang unang beses na hindi siya umuwi para ipagluto ako ng pagkain. At ito din ang unang beses na hindi siya nagpaalam sa'kin na mag oovernight siya sa bahay ni kuya Art.

Kinagat ko ang labi ko at inubos agad ang pagkain ko. Umakyat na ako pagkatapos para magbihis. Pagbaba ko saktong paalis na si mommy.

"Tammy, ako na maghahatid sa'yo." Sabi ni Mommy habang sinusuot ang sapatos niya.

"Si Kuya?"

Tinignan ko ang helmet niya pero wala na doon. Umalis na siya? Hindi niya ako hintay!

"Nauna na ang kuya mo."

Tumango ako.

Iba ang kinikilos ni kuya Temper ngayon. Hindi iyon ang huling beses na hindi umuwi kaya nag order nalang ako ng pagkain. At hindi rin iyon ang huling beses na hindi na niya hinatid sa school.

Huminga ako ng malalim habang hinihintay na lumabas si kuya Art. Sabado ngayon at walang pasok, I assume na nandito si kuya Temper ngayon dahil hindi siya umuwi kagabi.

My Brother Is Annoying Where stories live. Discover now