🖤41

38 0 1
                                    

CHAPTER 41.

"Kuya Art, huwag mo akong bitawan." Sigaw ko dahil papunta kami sa malalim na parte.

Marunong akong lumangoy kapag sa pool pero kapag sa dagat natatakot ako baka masama ako sa alon.

"Don't worry, I wont. Trust me." Sabi ni kuya Art habang hawak ang kamay ko.

"Sabi ko kasi sa'yo doon nalang tayo sa mababaw!"

Naiinis na ako dahil sa takot, ang lakas kasi ng alon nag papanic ako agad kapag tumataas na.

"Hindi ka mag i-enjoy kung nandoon lang tayo sa mababaw." Malambing na sabi niya para kunbinsihin ako.

"Mas hindi ako mag e-enjoy kung natatakot ako!" Sabi ko, kumapit ako sa kaniya nang lumakas ang alon.

Narinig kong tumawa si kuya Art kaya hinampas ko ang dibdib niya. Anong nakakatawa? Natatakot na nga ako.

"Bakit mo ako pinagtatawanan?" Tinignan ko siya.

"Wala lang, ang cute mo lang." Aniya, pinunasan ang mukha ko.

"Parang gusto ko magpalunod tapos i-cpr mo ako." Biro ko, pero hindi iyon biro para sa'kin gagawin ko 'yon mamaya.

"Pasaway." Aniya pero tumatawa.

Bumalik kami ni kuya Art sa mababang parte lang dahil para akong tukong nakakapit sa kaniya.

Alam ko naman hindi niya ako ipapahamak at may tiwala ako sa kaniya kaso nakakatakot talaga!

"Ay nag so-solo?" Lumapit sa'min si Marga, kasama niya si Thirdy.

Napasimangot ako, panira ng moment. Tumawa lang naman si kuya Art sa tabi ko.

"Sali kami ah? Third, dito tayo." Hinila niya si Thirdy. "Takot ka ba maarawan? Kaya ka mukhang vampire e." Asar niya kay Thirdy.

Ako naman ang nakita ni Marga, pinuna niya kung bakit ako nakasimangot. Sinong hindi? Naninira siya ng moment, dapat kami lang ni kuya Art dito.

"Ano 'yon ikaw lang masaya? Hindi pwede." Sabi ni Marga, tinalsikan niya ako ng tubig sa mukha.

Gumanti ako, tinalsikan ko rin siya ng tubig sa mukha.

"Thirdy, Halika tulungan mo ako!" Tawag niya kay Thirdy.

Nakisali na rin si Thirdy. Lugi nga ako dahil mag isa lang ako tapos dalawa sila. Hindi naman kasi sumasali si kuya Art sa'min pinapanood niya lang kami.

"Ang daya niyo isa lang ako tapos dalawa kayo!" Hindi ko na madilat ang mata ko dahil sunod sunod na pagtira nila.

Dumilat lang ako nang maramdaman wala ng tumatama sa mukha ko. Nasa harapan ko si kuya Art, sinangga yung tubig.

"Ayos ka lang?" Aniya, hinawi ang buhok ko.

"Ang daya talaga ni Tammy! Ayoko na nga!" Reklamo ni Marga.

"Ano nalang ginagawa ni Thirdy." Asar ko, alam ko maasar siya kapag binabanggit ko si Thirdy.

Hindi na natuloy ni Marga kung ano man sasabihin niya nang makita niya si kuya at Trisha.

"Art." Tawag ni kuya Temper kay kuya Art.

"Sandali lang, Tams." Paalam sa'kin ni kuya.

Tumango ako at tinignan siya paalis. Lumapit siya kay kuya Temper. May sinabi si kuya Temper sa kaniya pero hindi ko marinig dahil maingay ang mga tao at medyo malayo rin sila.

"Tapos na sila." Bulong ni Marga, mesdyo napalakas kaya narinig ko.

Tinignan ko siya at natawa. Hindi ko nalang siya inaasar dahil baka lunurin niya pa ako. Hinila ko nalang si Thirdy papunta sa medyo malalim na part dahil gugulatin na'min si Marga.

My Brother Is Annoying Where stories live. Discover now