🖤8

315 11 0
                                    

CHAPTER 8:

Kinabukasan hindi ko pinansin si kuya Temper. Nauna akong pumasok sa kanya at hindi ako sumabay. Masama ang loob ko sa ginawa niya kagabi. Bakit siya nagagalit? Ano naman mali kung maging sila ni Ate Riva. Maganda naman si ate Riva at mukha pang mabait.

Nadagdagan pa ang inis ko dahil hanggang ngayon si Anne at kuya Temper parin ang topic sa buong school. Nakakasawa na kahit saan ka pumunta pangalan nila ang naririnig mo nakaka bwiset.

"Hindi ba ikaw yung sister ni Zico?" Tanong ng babaeng humarang sa dadaanan ko.

Zico sila ng Zico, e Temper nga iyon hindi Zico!

Matangkad siya at maganda mukha siyang grade ten dahil mukha na siyang matured.

Tumango ako.

"Pwede bang pakibigay ito sa kuya mo?" Inabot niya sa akin ang isang kulay pink na papel.

Kinuha ko iyon at tinignan siya.

"Okay." Sabi ko, isang beses pa siyang tumango bago maglakad paalis.

Grabe siya na nga nakikisuyo hindi pa marunong mag thank you. Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa room.

Nandito si Marga nakaupo siya sa upuan niya habang nagsusulat naglakad ako papunta sa upuan ko.

"May assignment ba?" Tanong ko kay Marga, nilabas ko ang notebook ko sa math.

"Meron sa math, Hindi mo ba nagawa?" Sabi niya nang hindi tumingin sa akin.

Napasabunot ako sa sarili kong buhok nakalimutan kong may assignment nga pala kami, at math pa hindi ako magaling sa math.

"Hindi e." Tumingin ako kay Marga. "Marga baka naman?" Ngumiti ako sa kaniya at sinenyasan siya na kung pwede niya akong pakopyahin.

"Sige na nga." Sagot niya kasabay ng pagabot niya sa akin ng notebook niya. Buti nalang nandito si Marga na maasahan ko sa ganitong pagkakataon.

Kinuha ko iyon ka agad at nilabas ang notebook ko saka ginaya kung anong nakasulat sa notebook niya. Alam kong mali ang mangopya, pero wala akong choice kung hindi ang gawin ito.

Nang matapos sa pagsusulat binalik ko na ang notebook kay Marga at nagpasalamat. Tipid naman itong ngumiti sa akin at tumango.

"Nasaan si Temper, Tammy?" Tanong niya habang nakatingin sa akin.

"Ewan ko! Wala akong pakealam sa panget na iyon." Nag iwas ako tingin at tumingin nalang sa pwesto ni Clark.

Abot kamay na kita Clark, malapit na. Napangiti ako kasabay ng pagkagat ko sa labi ko. Naputol ang magandang pag imagine ko sa future namin'g dalawa ni Clark nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Inis na hinanap ko ang cellphone ko sa bag pero hindi parin natatanggal ang tingin ko kay Clark na abala sa pakikipag tawanan sa kaibigan niya.

Why so gwapo Clark Agustin? Be mine please?

Umirap ako dahil sa sunod sunod na pagtunog ng cellphone ko. Kainis! Istorbo naman. Inis na tinignan ko ang mga text message galing kay kuya Temper.

Tempered Glass:
San ka?

Tempered Glass:
Bakit hindi ka sumabay sa akin, kanina pa kita hinihintay.

Bakit naman kita hihintayin, bati ba tayo? Pagkatapos mo akong sigawan kagabi akala mo ganon nalang iyon?

Nah, hindi iyon ganon hindi mo alam kung paano sumikip ang dibdib ko sa pagsigaw mo sa'kin. Napaka sabalhe mo at ang rason lang niyon ay dahil kay Anne the fungi!

My Brother Is Annoying Where stories live. Discover now