🖤 16

42 0 0
                                    

Chapter 16:

"Saan sila pupunta?" Tanong ni Marga habang nakatingin sa direksyon kung saan dumaan sila kuya.

"Ang sabi ni kuya Art, kay ate Riva daw." Sagot ko at tumalikod na.

Pumasok na ako sa loob. Sumunod naman agad sa akin si Marga at sinarado ang gate. Dumiretsyo ako sa kusina para uminom ng tubig. Nilingon ko si Marga na nakaupo sa mesa habang nakatingin sa akin.

"Gusto mo ba si kuya Art?" Direstsyong tanong ko. Napakurap kurap si Marga at mahinang natawa.

"Huh? Hindi Tammy!" Sabi niya.

"Sigurado ka? Hindi talaga? Kahit konting pag ka-crush sa kaniya wala?" Sunod sunod na tanong ko. Umiling lang si Marga.

"Oo wala, Tammy. Bakit mo natanong? Crush mo si kuya Art no?" Panunuksong sabi niya. Wala sa sariling napangiti ako.

"Oo!" Bulong ko.

"Talaga?! Sabi na eh!"

Pumasok kami ni Marga sa kuwarto. Nag kwento ako sa kaniya tungkol sa pagka gusto ko kay kuya Art. Sinabi niya na ang bilis ko daw magbago ng gusto. Noong nakaraan lang ay si Clark ang gusto ko ngayon naman si kuya Art na.

Sa totoo lang hindi ko din alam kung bakit. Basta nangyari na lang na gustuhan ko si Art. Nag umpisa iyon sa Hospital. Noong nabugbug sila. Naisip ko lang na gusto ko ng lalaking mas matanda sa'kin.

"Tammy, secret lang natin ah. Gusto ko ang kuya mo." Sabi ni Marga, namula nang husto ang pisngi niya.

Kaya pala siya laging parang nahihiya kay kuya Temper dahil may gusto siya kay kuya. Omg! Hinawakan ko ang kamay ni Marga, alam ko nagulat siya biglang ginawa ko dahil gumalaw ang balikat niya.

"I'll support you! Dahil hindi ko na crush si Clark hindi na rin ako boto kay ate Riva. Ganito Marga, magpaganda tayo para hindi na tayong ituring na bata nung dalawang iyon
Okay ba?"

Hindi ko malaman ang mukha niya, kung masaya ba siya o nahihiya dahil nakangiwi siya.

"Sige, Tammy."

Nag apir kaming dalawa.

Panatag ba ang loob ko na hindi naman pala si kuya Art ang gusto niya. Makakahinga na ako ng maluwag, kaso ang problema nalang si ate Riva, sila na ni kuya Temper ngayon. Hindi ko alam kung kailan sila maghihiwalay. Sana maghiwalay na sila agad.

"Kumain ka ng gulay doon para lumaki ka." He patted my head.

Inirapan ko siya at nilapitan si mommy pagkatapos ay niyakap ito. Naramdaman ko naman na nakayakap na sa'min si kuya.

Hinatid na ako ni mommy papuntang terminal, nandoon ang driver ni daddy na maghahatid sa'kin sa Zambales. Wala daw kasi si Daddy dahil may trabaho siya ngayon.

Nasa loob na ako nang sasakyan, kumaway ako kay mommy at kuya Temper na nasa labas hanggang sa umandar na ang sasakyan. Doon palang ako umayos ng upo at nag post ako sa fa*ebook.

Kay lola magbabakasyon si kuya, sa cebu. Ang sabi niya kay daddy siya pero biglang nagbago ang isip niya. Alam ko naman kung bakit.

Galit si kuya kay daddy simula noong naghiwalay si mommy at daddy. Hanggang ngayon galit pa rin siya kaya alam kong imposibleng sumama siya.

Gusto ko nga rin kay lola pero gusto ko rin makita si daddy. Dad has a daughter sa new wife niya. She's seven years old at ate ang tawag niya sa'kin. Ang new wife niya, mabait din naman. She's nice to me pero minsan naiisip ko plastic lang.

Nag scroll ako sa feed ko, nakita ko ang post ni kuya Art. May plane ticket siya papunta sa cebu. Huh? Teka, kasama ba niya si kuya Temper doon?

Niloko nila ako! Kung alam ko lang sa cebu nalang din ako pumunta. Nag react ako ng angry sa post niyang iyon, mabilis naman niya ako minention sa comment box.

My Brother Is Annoying Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon