🖤26

37 0 0
                                    

Chapter 26.

Hawak hawak ko ang pisngi ko na hindi na tumigil sa pamumula simula kanina. Huminga ako ng malalim habang hawak ang dibdib ko at nakaharap sa salamin. Kanina lang parang magugunaw na ang mundo ko dahil sa babaeng yon.

Ngayon para akong nakalutang. Napakasarap mainlove!

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko buong araw. Hanggang gabi nakangiti ako dahil mag text kami ni kuya Art.

[Paano ka nakapasok sa kuwarto ko kung alam pala ni kuya Temper umalis kana?"]

Ang sabi niya kasi noong pumunta siya sa kuwarto, pagkatapos siyang sapakin ni kuya ang sabi niya uuwi na siya pero hindi naman siya umuwi.

[Dumaan ako sa likod.]

Oo nga pala! May bintana sa likod, doon pumapasok si kuya kapag nakasara ang main door.

[Malapit na birthday mo, anong gusto mong regalo?]

Ikaw lang sapat na. Omg! Syempre hindi ko iyon pwedeng sabihin nakakahiya!

[Gusto ko pumunta sa star city.]

Syempre, para saan pa at top 1 ako sa klase kung hindi ko maiisip ito. Lowkey date, na hindi niya napapansin. Excited na ako!

[Kailan mo gustong pumunta?]

[Hmm, sa birthday ko!]

Tama! Sa birthday ko para special, wala naman akong party simpleng handaan lang pagdating ni mommy sa gabi. Ang sabi naman ni kuya Temper may pasok daw siya kaya baka wala rin siya buong araw.

[That's your day, are you sure you want to spend it with me?"

Omg! That's the plan! Ganon nga ang gusto kong mangyari. Syempre sweet sixteen kaya dapat sweet din ang mangyayari.

Magkasama kami buong araw, sasakay sa rides, kakain at pagkatapos... pagkatapos I will kiss him sa cheeks katulad nung ginawa nung girl. Excited na ako!

[Busy si mommy at si kuya kaya okay lang iyon.]

[Then let's do it, masyado ng gabi tams. Matulog kana.]

[Goodnight >▪<]

Pagkatapos kong kiligin ng mga 10 minutes natulog na rin agad ako.

"Bakit hindi ka kumain?" Tanong ni kuya Temper.

Kumakain kami ng breakfast ngayon. Ayokong kumain dahil baka bloated ako bukas sa date namin ni kuya Art. Kailangan hindi ako mag mukhang mataba.

"Diet ako."

Nakita kong binaba ni kuya Temper ang kutsara niya pagkatapos ay tinignan ako. Kinagat niya ang labi habang sinusuri ako ng tingin.

"Bakit!" Medyo lumakas ang boses ko, kasi naman kung makatingin siya akala ko may mali sa itsura ko.

"Dahil ang panget mo."

"Magkamukha tayo kaya panget ka din! And by the way bakit mo sinapak si kuya Art?!"

"Ginanti lang kita." Sabi niya.

His tongue poking on his cheeks, ang hilig niyang gawin iyon.

"Kung gusto mo akong iganti dapat doon sa babae!"

"Sa tingin mo 'yon lang 'yon? Kung alam mo ang ginagawa ni Art baka sapakin mo rin siya. Wala kang alam, bata." Sabi ni kuya Temper, tumayo siya dala ang pinagkainan niya.

Tinignan ko hanggang makarating sa kusina hanggang sa paglabas niya.

Galit agad? Nakakamiss naman yung binatilyong Temper na alam lang ay asarin ako. Ngayon kasi sobrang matured na siya. Minsan nalang niya ako asarin.

Wala siyang time sa'kin. Lagi siyang nasa bahay ni ate Trisha, kung hindi naman nasa trabaho, tapos nag aaral pa siya.

Hindi nga niya ako tinanong kung anong gusto kong regalo. Dati naman lagi niya akong tinatanong kung anong regalo ang gusto kong makuha. Sana teenager nalang ulit siya!

Minsan tuloy naiisip ko na dahil may girlfriend na siya kaya ganon. Kung ganon ayoko na kay ate Trisha!

Ngumuso ako habang kinakain ang luto niya. Hindi na ako mag dadiet, kapag nagpakasal na sila ni ate Trisha hindi na niya ako pagluluto ng almusal.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

Bakit lahat sila iniiwan ako? Kumain nalang ako habang tumutulo ang luha ko.

Huminga ako ng malalim habang hinihintay dumating si Marga, pupunta kasi ngayon dahil manunuod kami ng movie at dahil alam niyang day off ni kuya Temper ngayon kaya nandito siya.

Natanaw ko na si Marga sa malayo, kumaway ako at siya naman tumakbo na para mas mabilis na makarating.

Nag yakapan kami habang tumatalon talon para kaming tanga.

"Namiss kita, Tammy!" Sabi ni Marga.

"Ako din! Tara na pasok na tayo may chika ako." Sabi ko.

Papasok na sana kami nang makasalubong namin si kuya Temper. Naka black tshirt siya at pants, sa kaliwang kamay niya hawak niya yung Jacket at isa kanan yung helmet.

Nagkatinginan kami ni Marga.

Day off niya ngayon saan siya pupunta.

"Hi, Marga." Bati ni kuya Temper kay Marga.

Nakita ko kung paano namula ng husto ang pisngi ni Marga dahil sa simpleng hi na iyon.

Kumaway si Marga. "Hello, kuya Temper. Aalis ka?" Tanong ni Marga.

"Oo, pasok na kayo. May binake akong banana cake kainin niyo mamaya." Sabi ni Kuya Temper.

Hindi siya nakatingin kay Marga dahil inaayos niya ang bag niya na nasa harapan.

Day off niya ngayon kaya bakit siya aalis?!

Niyaya ko na si Marga sa loob pagkatapos lumabas din ako para kausapin si kuya Temper.

"Kuya!" Sigaw ko dahil umalis na siya. "Kuya Temper!" Sigaw ko ulit, doon palang siya huminto.

Tumakbo ako palapit sa kaniya dahil medyo nakalayo na siya. Hindi siya bumaba sa motor niya pero inangat niya ang shield ng Helmet niya.

"Bakit?"

Nakita ko kung paano nanlaki ang mata niya nang tumulo ang luha ko. Bakit siya aalis? Day off niya ngayon, nagpunta si Marga para sa kaniya. At minsan nalang kami mag bonding. Gusto ko rin makasama manuod nung movie dahil bukas may pasok siya. Pero aalis pa rin siya ngayon! Pupuntahan niya lang naman si ate Trisha.

"Tammy, bakit?" Sabi niya.

Napapikit ako nang maramdaman ang daliri niya na pinupunasan ang luha ko. Nakakainis! Nakakainis! Bakit ba lagi nalang ganito!

Si mommy walang oras sa'kin, ang daddy ko walang oras sa'kin dahil may iba siyang pamilya. Akala ko iba si kuya dahil alam niya kung anong nararamdaman ko, pero ginagawa rin naman niya!

"Pupunta kana naman kay ate Trisha! Puro nalang si ate Trisha! Araw araw mo na siyang nakikita! Araw araw mo na siyang kasama! Nakakainis! Nakakainis na kayo!" Umiiyak na sigaw ko.

"Tammy!"

Hinawi ko ang kamay niya.

"Birthday ko bukas..." Tinignan ko siya. "Wala si mommy bukas, pati ikaw wala. Hindi mo ako tinanong kung anong gusto kong regalo."

Nakita kong hinihilot ni kuya ang bridge ng ilong niya.

"Hindi ako pupunta kay Trisha."

"Kalimutan mo na! Dalaga na ako hindi na ako a-asa sayo!"

Tumakbo ako pabalik sa bahay. Nakakahiya, may dalaga bang umiiyak dahil walang oras ang kuya at mommy niya sa kaniya.

Mabuti nalang nandyan si kuya Art, sasamahan niya ako bukas kaya hindi rin ako mag isa. Sino ba siya sa tingin niya, kapag naging kami na ni kuya Art hindi ko na siya kailangan.

-Emotionalangels

My Brother Is Annoying Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon