🖤43

47 1 0
                                    

CHAPTER 43.

"Temper, mag usap tayo sa labas."

Lumabas si mommy at si kuya Temper kaya naiwan kami ni kuya Art dito sa loob. Bahagya akong nagulat nang hawakan ni kuya Art ang siko ko. Pumunta kami sa sofa at naupo doon.

"Pupunta dapat ako sa taguig mamaya, hindi na pala kailangan." Sabi ni kuya Art.

Ngumiti ako pero ang mga mata ko nanatiling nakatingin sa pinto na nilabasan ni mommy at kuya Temper.

Tumingin si kuya Art sa pinto pagkatapos ay tinignan ako.

"Hindi siya pinapagalitan." Ani kuya Art.

Napatingin ako sa kaniya at tipid na ngumiti. Tinanggal ko na ang tingin ko sa pinto at sa kaniya nalang tumingin.

"Sana pagalitan, sinumbong ko kasi kay mommy na hindi niya ako pinapansin."

Binasa ni kuya Art ang labi niya. Pinatay niya muna ang nilalaro nila pati na'rin ang tv.

"Since when?"

"Pagkatapos ng birthday niya. Pagkatapos noon hindi niya na ako kinakamusta." Sumimangot ako.

"Wala naman na ki-kwento si Temper sa'kin." Aniya, nag isip pa sandali para i-confirm.

"Hayaan mo na kuya, ano naman pakialam ko kung hindi niya ako kausapin. Edi itakwil niya nalang ako." Mas sumimangot ako.

"Tammy, don't say that." Saway ni kuya Art.

"Sorry."

Sabay kaming napatingin sa pinto nang bumukas iyon. Pumasok si kuya Temper pero hindi na niya kasama si mommy. Tinignan niya ako sandali pagkatapos ay tumingin kay Art.

Pinulot niya ang mga kalat na nasa sahig at Tinignan ako.

"Kumain kana ba?" Tanong niya.

Pumunta siya sa basurahan para itapon yung mga basura bago kami balikan. Umupo siya sa center table habang nakatingin kay Art pero agad din itong nabaling sa'kin.

"Bakit mo ako kinakausap ngayon? Pinagalitan ka ni mommy no? Sorry huh pero hindi kita kakausapin." Inirapan ko siya.

Tumagilid ako ng upo, kay kuya Art ako nakaharap. Pigil na tumawa si kuya Art pero nang tignan ko siya ng masama ay tumigil rin.

Narinig kong nagmura si kuya Temper. Nang silipin ko siya tumayo sita at pumunta sa kusina.

"Sa tingin mo kuya nagalit siya?" Pabulong na tanong ko.

"No, nainis lang."

Napabuntong hininga ako. Parang mas mabuto yatang nagbaba nalang ako ng pride kasi kasalanan ko naman?

Sinilip ko si kuya Temper.

Nasa kusina pa'rin siya. Hindi ko alam kung uminom lang ba siya ng tubig o kumuha ng pagkain. Hindi naman ako gutom, kumain ako bago umalis kanina.

Mabilis akong tumingin sa harap nang lumabas na siya. May dala siyang juice, nilapag niya iyon sa harap ko.

"Uminom ka para tumalino ka." Ani kuya Temper.

Napairap ako sa sinabi niya.

"Kahit hindi ko 'yan inumin matalino ako. Ikaw kailangan mo 'yan para bumait ka naman." Sabi ko at tinulak sa kaniya pabalik iyon.

Kinagat ni kuya ang labi niya. Tila nag-pipigil na patulan ako.

"Kahit hindi ko 'yan inumin mabait ako." Sagot naman niya.

Napatingin ako kay kuya Art dahil pinatong niya ang kamay niya sa kamay ko. Tumingin doon si kuya Temper.

Tumingin ako kay kuya Art at pasimple 'yon tinanggal.

My Brother Is Annoying Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon