🖤 29

44 0 0
                                    

CHAPTER 29.

Pagkatapos namin maligo sa may batis bumalik na kami sa tent para kumain. Naabutan namin si mommy na tapos na maghanda, hinihintay nalang niya kaming bumalik.

"Magbihis muna kayo bago tayo kumain." sabi ni mommy, dahil basang basa kami.

Pagkatapos namin magbihis bumalik din kami agad. Wala pa si kuya Temper at kuya Art kaya kami pa lang ang nasa lamesa. Tinanong ako ni mommy kung kumusta raw ang pagligo namin kanina doon sa batis.

"Madulas talaga ang bato doon, mabuti nalang at nasalo ka ng kuya mo." Sabi ni mommy.

"Sana may kuya rin ako." Sabi ni Marga.

"Huwag mo ng pangarapin, kapag may kuya ka lagi ka lang niyang aawayin at aasarin."

"Depende naman 'yon! Makulit ka kase kaya lagi ka niyang inaasar."

Bago pa kami mag away ni Marga, dumating na si kuya Temper at kuya Art. Nagpalit ba sila ng damit? Parang iyon pa rin ang suot nila.

Ngumiti ako kay kuya Temper, tinapik ko pa ang space sa tabi ko para dito siya maupo pero inirapan niya lang ako. Kay mommy siya tumabi, ang sungit! Gusto ko lang naman makipagbati sa kaniya.

Ngumuso ako at inirapan din siya.

Si kuya Art nalang umupo sa tabi ko. Hinawakan ko ang damit niya kung basa ba pero tuyo naman. Ibig sabihin nagpalit nga sila. Nakita ko siyang nagtaka sa ginawa ko.

"Tinignan ko lang kung nagpalit talaga kayo." Paliwanag ko.

Tumawa si kuya Art pero hindi na siya nakasagot dahil sa biglang pagpalapak ni kuya. Luh? Ano kaya iyon. Napairap ako.

"Nakakagulat ka, Temper." Sabi ni mommy, hinampas ang braso ni kuya.

"Para sa birthday girl." Sabi niya at pumalakpak ulit.

Pumalakpak na rin sila at kinantahan ako ng happy birthday. Sobrang saya ko, wala akong inaasahan ngayong araw. Akala ko normal lang na pag blow ng cake kapag umuwi si mommy sa gabi.

Pero hindi. Naglaan sila ng oras para sa'kin. Sobrang busy ni mommy pero naglaan siya ng oras para sa'kin. Nagsisisi tuloy ako na nagtatampo ako sa kaniya.

Ganon din kay kuya Temper. Siguro lagi niya akong inaasar, at kung minsan napapasama niya ang loob ko. Pero may bagay siyang ginagawa na para sa'kin nang hindi niya sinasabi. Kaya para sa'kin siya parin ang best brother.

Pagkatapos nila akong kantahan, kumain na kami. Kumuha ako ng pagkain na niluto ni mommy ang i-ilan doon ay si kuya Temper ang nagluto.

Lumapit si kuya Art sa'kin. May sinasabi siya pero hindi ko marinig kaya binulong nalang ako.

Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Napansin iyon ni Marga kaya agad niyang pinuna.

"Tammy, namumula ka!" Tinuro niya ang pisngi ko.

Nakatulala pa rin ako, hindi ko madepensahan ang sarili kay Marga. Narinig kong natawa si kuya Art sa tabi ko pero hindi ko siya magawang lingunin.

"Anong binulong mo kay Tammy, Art?" Tanong ni mommy.

"Wala tita." Tumawa si kuya Art.

Nakatulala pa rin ako.

Hindi naman lingid sa kaalaman ni mommy na may gusto ako kay Art. Nasabi ko naman iyon, at baka nasabi rin ni kuya Temper. Hindi rin naman siguro lingid sa kaalaman ni kuya Art na gusto ko siya.

Ang manhid naman niya kung hindi niya nahahalata kung namumula ng ganito ang pisngi ko sa tuwing lumalapit siya sa'kin.

Tinignan ko si kuya Temper dahil hindi ko siya narinig na nagsalita. Tahimik lang siyang kumakain at parang walang naririnig. Siguro miss na niya si ate Trisha kaya ang tahimik niya.

My Brother Is Annoying Where stories live. Discover now