🖤14

565 20 5
                                    

Chapter 14:

"Kung ganyan ka ng ganyan Temper sa probinsya kita pag aaralin ng college nang magtino ka." Sabi ni mommy kay kuya.

Pinanuod ko si kuya habang sinesermunan siya ni mommy. Natatawang niyakap ni kuya ang bewang ni mom. Si mommy naman ay pinag hahapas ang likod nito pero mahina lang.

"Bakit kasi napakagandang lalaki ko." Biro ni kuya Temper.

"Tumahimik ka nga dyan!" Sagot naman ni mommy.

Pwede ng lumabas si kuya ngayon gabi kaso si mommy lang ang may ayaw. Ang gusto niya mag istay pa dito si kuya para mabantayan ang kundisyon niya.

Tumingin ako kay kuya Art na abalang nakatingin sa cellphone niya. Wala ang parents ni kuya Art nasa canada sila kaya wala siyang kasama dito.

Tumayo ako mula sa pagkaka upo sa maliit na sofa dito sa loob ng kuwarto. Lumapit ako kay kuya Art at umupo sa kama niya.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

Tinignan niya ako at nilapag niya ang cellphone niya at pinatong sa tiyan lang.

"Dahil sa kapokpokan ng kuya mo." Mahinang tumawa siya.

Sumimangot naman ako. "Pokpok kasi. Sino si Hero Malansag?" Tanong ko. Nilingon ko si kuya, nahuli ko siyang nakatingin sa akin.

"Hindi ko kilala. Pero si Temper kilala niya 'yon." Sagot ni kuya Art. "Pa abot naman ng tubig, Beng." Kinuha ko ang bottled water sa gilid at binuksan na din 'yon bago ibigay sa kaniya.

"Beh, paabot nga ng tubig." Si kuya Temper. Nilingon ko siya, tinaasan niya ako ng kilay.

Wala na pala si mommy bakit hindi ko napansin na umalis siya?

"Nasaan si mommy?" Tanong ko kay kuya.

"Umalis bibili daw ng pagkain. Tubig iabot mo sa akin huwag mong ihagis." Sabi niya habang nakatingin sa akin.

Napairap nalang ako at tumayo. Lumapit ako sa kaniya dala dala ang bottled water.

Tumayo ako sa gilid niya. "Oh!" Inabot ko ang tubig sa kaniya ng maayos. Tsk hampas ko kaya to sayo, tumingin siya sa akin kaya napipilitang ngumiti ako

"Buksan mo." Utos niya. Grabe inaalila na ako nito porket injured siya.

Pero dahil mabait ako ngayon binuksan ko ito at inabot sa kaniya ng nakangiti. Kinuha niya yon at agad na uminom napatingin ako kay kuya Art nang makitang tumayo siya.

"Kuya saan ka pupunta?" Tanong ko maski si kuya Temper ay napatingin na rin sa kaniya.

"Sa labas. Walang signal dito." Tinaas ni kuya Art ang hawak niyang cellphone para ipakita sa amin.

"Tatawagan mo girlfriend mo kuya?" Pabirong tanong ko. Tumawa siya at umiling.

"Meron ba ako?" Tumawa si kuya Art. "Tatawagan ko si mommy." Sagot ni kuya Art at Tumingin kay kuya.

Tinanguan lang siya ni kuya. Muling tumingin sa akin si kuya Art at kinindatan ako bago lumabas. Napangiti ako ang galing kasing kumindat ni kuya Art.

Tinignan ko si kuya na parang nandidiring nakatingin sa akin.

"Anong nginingiti ngiti mo diyan? Parang kang tanga." Sabi ni kuya at inarapan ako.

Nawala ang ngiti ko. Kalma Tammy nag promise ka na hindi kana mag mamaldita Remember?

Umupo ako sa kama niya tsaka tumingin sa kaniya. Chismosa ako kaya dapat updated ako kung anong nangyari kung bakit nabugbog siya.

"Sino naman nilandi mo at nagbugbog ka." Tanong ko habang nakatingin sa mga pasa niya sa mukha. Panget na nga nabangasan pa.

My Brother Is Annoying Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon