🖤13

371 14 0
                                    

Chapter 13:

"Tammy! Tammy! Mag usap tayo!" Kanina pa siya kumakatok.

Pagkatapos mag walk out kanina nag commute nalang ako pauwi at hindi ako sumabay sa kaniya. Nauna akong nakauwi pero umabot pa ang dalawang oras bago siya nakauwi baka hinanap niya ako sa mall kanina.

Kakarating niya lang ngayon - ngayon lang.

"Kausapin mo yang pinto sinungaling!" Sigaw ko at habang yakap yakap ang unan ko.

Nahihiya ako kay ate Riva alam kong umasa siya sa date nilang yon pero hindi natuloy dahil sa kasamaan ng ugali ng kapatid ko. Ang sakit pa naman umaasa! dahil umasa din ako na makakasama ko si Clark ngayon kaya ramdam ko siya.

"Huwag mo na akong pilisopohin. Buksan mo ito!" Sigaw niya at nilakasan pa ang katok.

Hindi ako sumagot. Kinuha ko ang cellphone ko sa gilid at agad na nag pumunta sa message.

Hindi ko alam kung paano ako mag sosorry ngayon kay Ate Riva.

Ate Riva:
Ate, sorry dahil hindi natuloy ang date niyo ni Kuya. Nahihiya tuloy ako sayo ate. Sorry talaga.

Pagkatapon masend ang text ko ay bumalik ako ng higa. Nasa Labas parin si kuya Temper.

"Mag usap tayo, Tammy!" Sigaw niya galing sa labas. Hindi ko siya sinagot hanggang sa marinig ang boses ni mommy.

"Nag away na naman kayo?" Tanong ni mommy kay kuya. Ang aga yata ni mommy ngayon.

Gusto ko sanang lumabas pero ayokong makita ang si kuya. Nanatili nalang ako dito sa loob ng kuwarto habang pinapakinggan ang usapan ni mommy at ni kuya.

"Opo. Inasar ko napikon." Sabi ni kuya Temper.

Sinungaling talaga siya kahit kailan! Napairap nalang ako.

"Temper stop teasing your sister. Nagdadalaga na si Tammy kaya be sensitive sa mga kinikilos mo at sinasabi mo sa kapatid mo." Sabi ni mommy.

Tama dalaga na ako kaya dapat hindi na niya ako inaasar minsan dahil sa pang aasar niya napapahiya na ako sa school.

"Yes po. I'm sorry." Mahinang sagot ni kuya.

"Hayaan mo muna siya. Give her space palimigin mo muna ang ulo ng kapatid mo." Sabi ni mommy. Gusto ko talagang lumabas! Hmmp!

"Lagyan ko ng yelo ang ulo niya?"

"Kalokohan mo talaga."

Narinig ko ang mga yabag nila papalayo kaya alam kong umalis na sila. Hindi ko nalang inisip yon dahil maiistress lang ako sa kaniya. Natulog nalang ako.

Kinagabihan hindi ko siya pinansin nang kumain kami. Nagpanggap ako na hindi siya nakikita at naririnig, pinagalitan kami ni mommy dahil doon.

Kinabukasan ganon padin ang nangyari hindi ko parin siya pinansin. Hanggang sa umabot ng dalawang linggo. Kahit na araw araw kaming nagkikita sa bahay hindi ko siya kinakausap at umaarteng hindi siya nakikita o naririnig.

"Tammy!" Hinawakan niya braso ko at pwersahang hinarap sa kaniya.

Tinignan ko siya magulo ang buhok niya at naka black tshirt din siya dahil P.E nila kanina. dahil batas daw siya kuno hindi siya nag white tshirt at nag black nalang siya sigurado akong napagalitan nalang siya.

"Ilan beses ba ako dapat mag sorry. Okay na kami ni Riva. We're dating now kaya kausapin mo na ako." Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.

Nag dadate na silang dalawa? Totoo ba yon o baka ineetchos niya lang ako. Masamang tinignan ko siya para kumpirmahin kung totoo ba ang sinsabi niya.

My Brother Is Annoying Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang