🖤 32

48 1 0
                                    

CHAPTER 32.

Nang mag sabado na nagpahatid ako kay mommy sa mall dahil tulog pa si kuya Temper at paalis na rin naman si mommy. Nakita ko na agad si Marga na hinihintay ako sa entrance.

"Text your brother kapag uuwi kana." Sabi ni mommy bago halikan ang pisngi ko.

"Opo!" Sagot ko.

Kumaway ako kay mommy habang paalis ang sasakyan niya. Nang makaalis na siya tumakbo na ako palapit kay Marga.

"Nasaan si Thirdy?" Tanong ko kay Marga.

"Papunta pa lang daw."

"Pasok na tayo ang init dito."

Pumasok na kami ni Marga sa loob. Bumili kami ng ice cream dahil nakita namin yung mga bumibili, nainggit kami. Habang sarap na sarap kami sa pagkain may bigla nalang may kumalabit sa'min. Lumingon kami kung sino iyon, si Thirdy iyon.

Muntik pa namin matapon sa mukha ni Thirdy yung ice cream dahil nakasimangot siya.

"Hindi niyo ko hinintay." Sabi niya nakasimangot.

"Gusto mo matusta kami sa labas? Ang init kaya!" Sabi ko.

Naka black shirt siya at cargo pants, habang si Marga ay naka pants at off shoulder. Ako lang ang naka dress. Tinignan ang mga tao sa mall. Konti lang yung mga nakita kong naka dress. Lahat sila pare-pareho ng damit.

"Saan tayo?" Tanong ni Marga. Kumapit siya sa braso ko.

"Samahan niyo muna ako bumili ng damit." Sabi ko.

Pumunta kami sa store para bumili ng damit. Nagpatulong ako kay Marga kung ano bang mga usong damit ngayon.

"Tammy, ito oh! Kagaya sa damit ng ate ni Thirdy." Sabi ni Marga, tinuro niya ang backless na damit.

"Gusto ko 'yan!" Sinenyasan ko si Marga.

Kuhuhanin ko na sana iyon nang pigilan ako ni Thirdy. Kinuha niya iyon at binalik. Malapit ko na siyang lapain ng buhay, nagpipigil lang ako ngayon.

"Bakit mo binalik!" Sabi ni Marga.

"Bakit mo kailangan gayahin ang ate ko, hindi 'yon bagay sa'yo. Maganda kapag simple lang." Sabi ni Thirdy.

Siniko ako ni Marga kaya napatingin ako sa kaniya. Tinuro niya si Thirdy na namumula ang pisngi ngayon. Shemay, oo nga pala crush pala ako nito.

"Hoy kung gusto mo pa kaming maging kaibigan dapat hindi mo ako crush." Sabi ko, naglakad ako para mamili doon sa mga blouse.

"Hindi naman kita crush!"

Hindi daw? Kung ganon bakit siya namumula? Alam ko naman kahit hindi niya sabihin. Sinabi na naman ni kuya Temper sa'kin iyon.

"Oo nga! Alam mo Third, itong si Tammy kasi ay taken na." Sabi ni Marga, inakbayan niya pa si Thirdy.

"Kanino naman?"

Pinakinggan ko lang sila. Sige Marga, sabihin mo kung sino.

"Hindi mo ba kayang hulaan?"

"Manghuhula ba ako?"

"Hulaan mo muna!"

"Si Henry ba?"

Si Henry yung mayabang na kaklase namin na umamin sa'kin kahapon lang.

"Hindi, ano kaba! Walang iba kung hindi si-"

"Art Sandoval?"

Sabay sabay kaming napalingon sa likod dahil sa nagsalitang iyon. Literal nalaglag ang panga ko nang makita si kuya Art. Hindi niya kasama si kuya Temper, siya lang mag isa ngayon.

My Brother Is Annoying Where stories live. Discover now