🖤40

51 0 0
                                    

CHAPTER 40:

"Excited na ako!" Sabi ni Marga, magkatabi kami sa upuan.

Si kuya Temper naman katabi niya si kuya Art. Habang si Ate Trisha at Thirdy ang nasa likod. Sa gitna kami ni Marga. Nahihilo raw kasi si Thirdy sa biyahe gusto niya katabi ang ate niya.

Ayoko din naman siyang katabi mamaya sukahan niya ako baka ipalunok ko pabalik ang suka niya.

Weak! Ako nga puyat pa ako dahil excited ako kagabi hindi ako nakatulog pero punong puno pa ako ng energy!

"Ano pa ako. First time ko magpunta sa beach."

Bukas ang birthday ni kuya Temper kaya pupunta kami sa boracay. Sayang nga dahil wala si mommy at si lola ayaw daw nila sa beach kaya kami nalang.

"Siguro maraming pogi doon, Tammy." Sabi ni Marga.

Sabay na lumingon sa amin si kuya Temper at kuya Art.

"Aren't we enough, Marga?" Biro ni kuya Temper.

Namula ng husto ang pisngi ni Marga dahil sa sinabi ni kuya. Ngumisi pa siya kaya mas lalong nagwala si Marga, hindi na niya maitago ang kilig kahit na nasa likod lang si ate Trisha.

Gaga ka! Mamaya lunurin ka ni ate Trisha.

"Enough na! Super pa!"

Nakalimutan niya yatang nasa likod si ate Trisha. Nang lingunin ko si ate Trisha mukhang okay lang naman sa kaniya dahil tumatawa tawa pa siya.

Ayon si Thirdy parang lantang gulay na, pabebe sa ate niya.

"Muntik ko ng makalimutan nandito pala ang girlfriend."

Natawa ako sa binulong ni Marga sa'kin. Sa tingin ko naman hindi iyon narinig dahil sobrang hina lang ng boses niya.

"Bahala ka, lulunurin ka niya mamaya." Bulong ko rin.

"Hoy gaga! Huwag naman." Sabi niya pa.

Lumingon siya sa likod at nag hi kay ate Trisha.

"Hoy Third! Ang weak mo ah, nahilo kana 'non."

"Tahimik!"

"Weak! Weak! Weak!"

Hindi tinigilan ni Marga asarin si Thirdy. Gaga talaga ang babaeng 'yon. Nakikita na niyang parang lantang gulay na 'yong isa inaasar niya pa.

Umangat ako ng konti at humawak sa upuan ni kuya Art. Lumingon naman siya agad kaya muntik ko na siyang ma kiss sa pisngi.

"Ano 'yon Tammy?" Tanong ni kuya Art.

"Malapit na ba tayo?"

"Malapit na." Aniya.

"Pwede ba dyan nalang ako maupo?" Bulong ko kay kuya Art.

Narinig yata ni kuya Temper dahil tinignan niya ako.

"Balik doon." Sabi ni kuya Temper.

Tinulak niya ang ulo ko ng marahan pa layo kay kuya Art. Nakakainis talaga siya masyadong epal! Nakasimangot akong bumalik ng upo pinagtawanan pa ako ni Marga.

"Ang kulit mo kasi." Dagdag pa ni Marga.

Hindi ko siya pinansin dahil naiinis talaga ako. Dapat ako ang katabi ni kuya. Partner-partner dapat 'yan. Si kuya Temper at si ate Trisha. Si Marga at Thirdy at ako naman at si kuya Art. Ganon dapat!

Napairap ako.

After one hour sa wakas nakarating na kami. Tumakbo agad kami ni Marga papunta sa dagat pero hindi naman ako nagbasa gusto lang namin makita.

My Brother Is Annoying Où les histoires vivent. Découvrez maintenant