🖤18

43 1 0
                                    

Chapter 18:

"Tammy, punta tayo sa school ng kuya mo mamayang uwian?" Biglang sabi ni Marga habang naglalakad kami papunta sa field.

P.E namin ngayon at volleyball ang lalaruin namin, kaya naka maikling short kami at yung P.E tshirt na'min.

"Text ko muna si kuya Art, baka mamaya wala sila doon sayang lang pagod na'tin."

"Oo nga, no."

Sinabi kasi ni kuya Art sa'kin na huwag daw ako basta bastang pumupunta sa university. Baka daw wala sila doon at mapagod lang ako. Ang sweet talaga ng future boyfriend ko!

Pero alam ko naman na sinabi niya lang iyon dahil pumunta kami doon noong nakaraan at wala na pala sila. Hindi rin ako nagsabi at hindi rin naman ako tinext ng kapatid kong baliw, kaya ang nangyari ay naghintay kami ni Marga doon hanggang gabi.

Hindi kami pinapasok sa loob ng university dahil highschool lang kami.

Sa halip na maawa sa'kin ang kapatid ko pinagtawanan niya pa ako at inasar. Hindi ko nga alam kung kapatid pa ba ang turing niya sa'kin. Minsan nakakasakit na ang biro niya.

Pero hindi naman ako pumapayag na hindi ako makaganti, kaya inaasar ko siya. Pinalitan ko nga yung password niya sa laptop kaya asar na asar siya sa'kin. Tapos nakalimutan ko kung anong pinalit ko kaya di namin mabuksan.

Tuwang tuwa pa ako dahil nakaganti ako. Pero noong nalaman ko na may deadline pala siyang dapat tapusin, kinain ako ng guilt. Hindi naman niya ako sinigawan at nagalit na mas gusto ko sana kung ganon nalang ginawa niya.

Sa halip magdamag siya nasa bahay ni kuya Art at doon gumawa dahil sira rin laptop ko at dala ni mommy ang laptop niya.

Isang araw niya akong hindi pinansin niyon pagkauwi niya. Tapos mukha pa siyang zombie dahil sa eyebags niya.

Nagkabati rin naman kami noong nag sorry ako. Pero may kapalit, hinilot ko ang ulo niya ng dalawang oras habang natutulog siya.

Minsan naiisip ko na talagang nag matured na si kuya Temper. May mga times na hindi na niya ako inaasar, kapag wala siyang pasok, umaalis siya kasama si kuya Art. Makikita ko nalang na may nag tag sa kaniyang babae na magkasama sila.

"Psst, Tammy. Sexy!"

Inirapan ko ang lalaking tumawag sa'kin nang sexy. Kung nandito lang si kuya Temper hindi ako babastusin ng mga ito pero dahil wala sila dito sa school, madalas akong mabastos.

"Ang papanget niyo!" Sigaw sa grupong iyon at binilisan namin ni Marga ang lakad.

Ang makarating kami sa field nandoon na iba naming kaklase. Namamawis na ako sa sobrang init, bakit kasi volleyball eh sobrang init ng panahon ngayon.

"Tammy, masikip ba ang shorts mo?" Tanong ni Marga nang mapansin hinahatak ko iyon pababa.

"Hindi naman, masyado lang maikli bakit kasi magpapasuot ng ganito kaikli sa studyante." Reklamo ko.

"Mahaba naman, Tammy. Ang problema ay..."

"You're fat."

Sabay kaming napatingin ni Marga sa likod nang mabosesan namin ang boses na iyon.

"Sabi ko sayo bawasan mo ang pagkain." Sabi ni Kuya Temper at nginisian ako.

Anong ginagawa niya dito? Nasaan si kuya Art?

"Hi, Tams?" Si Kuya Art, kumaway siya sa'kin at ngumiti. "Hi, Marga." Bati niya rin kay Marga.

"Hello, kuya." Bati ni Marga pagkatapos at siniko ako.

My Brother Is Annoying Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon