🖤31

41 0 0
                                    

CHAPTER 31.

Pagdating namin sa restaurant kung saan kami kakain. Si kuya Art ang katabi ko. Syempre sino pa ba? Magkatabi si kuya Temper at ate Trisha, nag uusap sila habang hinihintay namin ang order namin.

"How's your first day?" Tanong ni kuya Art.

"Okay naman kuya, medyo napagalitan lang kami."

Nakuha ko ang atensyon nung dalawang mag shota sa harap ko. Umayos ng upo si ate Trisha, nakapatong na ang dalawa niyang kamay sa lamesa.

"Bakit?" Tanong ni kuya Temper.

"Katabi ko kasi si Marga at Thirdy kaya ang ingay namin." Sabi ko, kinagat ko ang labi ko.

"Oh my! Is it true? Marunong palang makipag biruan ang kapatid ko." Sabi ni ate Trisha.

"Right, akala ko seryoso lang iyon lagi." Sabi naman ni kuya Art sa tabi ko.

"Huh? Anong seryoso ang daldal niya nga. Silang dalawa ni Marga kapag nagtabi hindi maubos ubos ang kwento."

Nakita kong ngumiti si ate Trisha. Ngiti iyon isang ate na proud sa kaniyang kapatid.

"I'm glad! Puro aral kasi 'yon, kaya masaya ako sa sinabi mo."

Naputol na ang usapan namin nang dumating na ang pagkain dala ng waiter. Nakipag high five pa iyon kay kuya at kuya Art. Baka kakilala nila.

"Pogi mo na tol, dati mukha ka lang tingting." Sabi nung lalaki kay kuya Temper. "May girlfriend na kayo, hanap mo naman ako." Dagdag niya pa.

Nakita kong siniko ni ate Trisha si kuya Temper. Tumingin si kuya Temper sa kaniya at lumapit dahil may binubulong sa kaniya si ate Trisha.

"Kaklase namin siya ni Art noong high school." Sabi ni kuya Temper, kausap niya si ate Trisha.

"Isaac, si Trisha girlfriend ko." Pakilala ni kuya Temper.

"Hi Trish," bati naman nito kay ate Trisha. "Sino naman ito?" Tumingin yung lalaki sa'kin.

Nasaan ang manager dito? Sasabihin ko yung waiter nila nakikipag chikahan lang dito sa table namin.

"Kapatid ko." Maikling sagot ni kuya Temper.

"Siya na ba si Tammy? Grabe! Ang laki mo na. Akala ko girlfriend ka ni Art." Gulat pa na sabi niya, akala mo pamangkin niya ako na hindi nakita ng ilang taon.

Well tama na siya, girlfriend nga niya ako. Future girlfriend!

"Hindi pa." Tumingin sa'kin si kuya Art. "Hindi pa sa ngayon." Aniya.

Sa sobrang hiya ko nagtago ako sa likod niya. Narinig kong tumawa si ate Trisha at kuya Art, pero hindi ko narinig si kuya Temper.

Bakit niya iyon kailangan sabihin! Alam naman niyang mabilis akong mahulog sa mga salita niya.

"Oh my! How cute."

Narinig kong sabi ni ate Trisha. Narinig ko rin na pinaalis na ni kuya yung lalaki.

"Oi, lumabas kana dyan." Sabi niya.

Huminga muna ako ng malalim bago umayos ng upo. Nang magtama ang mata namin ni kuya Art, nginitian niya ako kaya mabilis akong nag iwas ng tingin.

Kumain nalang ako habang nag uusap silang tatlo tungkol sa school. Wala naman akong alam doon, kaya pagkain nalang ang inatupag ko.

Pagkatapos namin kumain hinatid muna namin si Ate Trisha sa bahay nila. Lumabas si kuya Temper ng sasakyan para ihatid ito sa may gate nila.

Kami lang ni kuya Art ang naiwan sa kotse.

Pinanood ko silang dalawang mag usap. Nakita kong ngumiti si Ate Trisha. Napaka genuine ng ngiti niya halatang gustong gusto niya ang kapatid ko.

My Brother Is Annoying Where stories live. Discover now