🖤 15

708 25 9
                                    

Chapter 15:

Sinulyapan ko si kuya Art habang panay ang subo niya ng pagkain niya. Seryoso? sa gwapo niyang 'yan parang siyang tambay kung kumain. Napailing iling nalang ako at ininom ang tubig na nasa harapan ko.

Siniko ako ni kuya Temper kaya halos mabuga ko ang tubig na nasa bibig ko sa harap ni manang na nagluluto.

Nilapag ko muna ang baso bago siya masamang Binalingan.

"Ano ba!" Singhal ko sa kaniya at inirapan siya.

"Ang arte mo bakit hindi ka kumakain?"

"Hindi ako nagugutom sa'yo nalang." Inusog ko ang mangkok na may lamang goto sa harap niya.

Kakain naman sana ako dahil hindi naman ako ganon kaarte. Kaya lang nawalan ako ng gana dahil hindi si kuya Art ang katabi ko.

Lagi ko tuloy na-iisip kung may gusto ba si kuya Art kay Marga kaya niya ginawa yon.

Bakit ganon Tammy? Ang malas mo masyado pagdating sa pag ibig. Tinignan ko si Kuya Temper na nakatingin lang sa akin. Sumimangot ako at inirapan siya.

"Kumusta, Marga?" Tanong ni kuya Art.

Nilingon ko sila.

Nagtama ang mata naming dalawa, Halos malaglag ang puso ko nang ngumiti siya at kumindat pagkatapos ay Tumingin kay Marga.

Napakurap kurap ako. Hindi ko alam kung anong ire-react ko sa ginawa niya. Naramdaman ko na may lumipad na sa loob ng tiyan ko.

Ano 'yon ipis?

Tumingin si Marga kay kuya Art. Ako naman nakatingin lang sa kaniya.

"Ayos lang naman po kuya." Nakangiting sagot ni Marga.

Kapag si kuya Temper ang kausap niya. Temper, lang ang tawag niya pero kapag kay kuya Art may kuya. Ibig sabihin ba si Kuya Art ang crush niya?

Kasi sabi doon sa nabasa ko, once a girl called you kuya it means she has crush on you. So may gusto rin siya kay kuya Art?

Ang kinalabasan nito ay magkaribal kami!

"Mabuti naman." Ngumiti si kuya Art kay Marga at muling tumingin sa akin.

Kinabahan agad ako sa titig niya kaya mabilis akong bumaling kay kuya Temper na nagulat pa sa ginawa ko.

"Nakngtokwa ka Tammy! nakakagulat ka!" Singhal niya sa akin habang nakahawak pa sa puso niya.

Hindi ako sumagot sa halip ay kinuha ko ang baso ng tubig na nasa kamay niya at agad iyong ininom.

Damn! Kaasar ka kuya Art! Bakit ganyan ka hmp!

"Anong nangyari kay Tams, Tem?" Tanong ni kuya Art sa likod ko.

Halos mabuga ang tubig ko na iniinom ko sa mukha ni kuya Temper dahil kay kuya Art.

"Ewan ko dito." Tumingin si kuya sa akin. "Nababaliw na naman." Sabi niya bago itaas ang laylayan ng damit niya at ipunas sa bibig ko.

Yuck! Kadiri!

Hinawi ko agad ang kamay niya at masamang siyang tinignan. Tinaasan niya lang ako ng kilay tsaka tumingin ulit kay kuya Art.

Kunwaring walang kadugyutang ginawa. Kainis! Ayoko lang siyang awayin ngayon kasi nahihiya ako kay kuya Art. Pero mamaya lang siya sa akin pag uwi namin.

"Kadiri ka kuya!" Pabulong na sabi ko habang masamang nakatingin sa kaniya.

Tinignan niya ako at nginisian.

Hindi siya sumagot sa akin pero sinagot niya ang mga tanong ni kuya Art.

Hanggang sa makasakay kami sa kotse ni kuya Art ay naging tahimik lang ako. Pasimpleng tinignan siya sa rearview mirror.

My Brother Is Annoying Where stories live. Discover now