🖤 38

42 2 0
                                    

CHAPTER 37.

Tinignan ko si kuya Art at kuya Temper habang kausap si mommy. Sumama ako sa kanila para maghanap ng apartment. Ito ang unang absent ko ngayong taon. 

"Okay naman, Tita." Sabi ni kuya Art.

May dalawang kuwarto ito, at malaki ang sala pwede silang mag inuman at mag party. Maganda rin ang view sa labas at higit sa lahat sobrang lapit lang sa university. Pwede mo lang iyon lakarin.

"Bakit parang nalugi ka dyan?" Kinurot ni kuya Temper ang ilong ko kaya hinampas ko siya.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Pagod na ako e!" Dahilan ko.

"Wala naman nagsabing sumama ka." Aniya, nakatingin siya kay mommy at kuya Art na nag uusap.

"Gusto kong makasama si kuya Art! Pakealam mo ba?" Umirap ako.

Lumapit ako sa may sofa at naupo doon, nakasimangot ako habang pinapanood si mommy.

Nasa likod ko si kuya Temper. Bakit si kuya Art ang kausap ni mommy 'e si kuya Temper ang anak niya. Ibig sabihin lang 'non mas tiwala si mommy kay kuya Art.

"Kuya, uuwi ka naman every weekend diba?" Tinignan ko siya.

"Hindi na, sayang oras." Aniya, hindi siya sa'kin nakatingin.

Naramdaman kong sumikip ang dibdib ko. Hinampas ko ang kamay niya dahil sa sinabi niya, ngumisi lang siya pero hindi niya ako tinignan.

"Paano si mommy? Hindi mo ba siya bibisitahin?" Pumiyok ang boses ko, doon pa lang siya napatingin sa'kin.

Nakita ko pa ang gulat sa mukha niya nang makita akong paiyak na. Alam ko namumula ang mata ko ngayon.

"Kung iniisip mo si Art, pwede ka niyang puntahan kahit anong araw." Aniya at kinurot ang ilong ko.

Hindi naman iyon eh! Bakit naman si kuya Art siya ba ang kuya ko? Alam naman niya na nakapende pa rin ako sa kaniya.

"Tama! Huwag ka ng umuwi mas okay 'yon! Sino bang may gustong makita ka sa bahay!" Nag iwas ako ng tingin.

Tumayo ako at lumapit kay mommy. Nagulat nalang siya ng yumakap ako sa kaniya.

Gusto kong umiyak, ang sama niya!

"Hey, what's wrong baby?" May pag aalalang tanong ni mommy, hinawi niya ang buhok ko.

"Tams, why?" Si kuya Art.

Umiling ako at hindi sumagot. Sinilip ko si kuya Temper, nakaupo lang siya doon sa sofa habang sumisipol sipol.

"Inaway ka ba ng kuya mo?" Tanong ni mommy.

Umiling ako.

"Temper! Ano naman ginawa mo kay Tammy?"

"Huh? Wala naman?" Painosenteng sagot niya.

"Ikaw talaga, aalis ka nalang aasarin mo pa siya."

"Wala nga akong ginawa!"

Nakayakap lang ako kay mommy habang may pinaliwanag siya kay kuya Art. Nakita kong tumayo si kuya at sumali na sa usapan.

"I-update niyo ko kung nakauwi na kayo at kung anong oras kayo uuwi. Maliwanag ba, Art, Temper?" Sabi ni mommy sa kanilang dalawa.

"Yes po." Sabay nilang sagot.

Dahil okay na raw yung apartment kay kuya Art at kuya Temper nagyaya na si mommy na mag lunch.

Kumain lang kami sa labas. Hanggang sa pagkain hindi ko pinapansin si kuya Temper. Sobrang sama ng loob ko sa kaniya kaya tinitignan ko siya ng masama.

My Brother Is Annoying Where stories live. Discover now