🖤35

51 0 0
                                    

CHAPTER 35.

Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa bintana. Hinihintay  ko kasing umuwi si kuya, anong oras na wala pa rin siya. Pasado 11 na hindi pa rin siya umuuwi. Kung ano ano na tuloy pumapasok sa isip ko.

Nang makita ko na ang ilaw ng sasakyan niya tumakbo na ako pababa para salubungin siya.

Naalala ko noong nakaraan nasaksak siya, grade 11 lang siya noon. What more ngayon na college na siya hindi na bata ang mga kaaway nila kundi adult na.

Saktong paglabas ko nang gate huminto na rin ang sasakyan ni kuya. Habol habol ko ang hininga ko habang hinihintay siyang lumabas.

Naglakad ako papunta sa may pinto ng sasakyan dahil hindi pa siya lumalabas kinatok ko na ang bintana nito.

"Kuya!" Sigaw ko.

Binaba ni kuya ang salamin ng sasakyan niya. Tinignan ko ang mukha niya, bukod sa sugat niya sa kilay kanina may sugat na rin siya sa labi at pasa sa pisngi.

"Nandyan na ba si mommy?" Tanong niya habang pinapatay ang makina ng sasakyan.

"Wala pa, kapag nakita ka ni mommy lagot ka." Pananakot ko sa kaniya.

"Tabi." Aniya.

Lumayo ako dahil nakaharang ako hindi siya makalabas. Nang makalabas siya Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa kung may saksak ba siya or something. Kung kailangan na ba namin pumunta sa hospital.

"Si kuya Art?" Tanong ko.

"Buhay pa." Aniya sa malamig na tono.

Naglakad si kuya papasok sa bahay. Sinundan ko siya hanggang makarating kami sa kuwarto niya. Papasok rin sana ako sa loob kaso sinaraduhan niya ako.

"Kuya, buksan mo! Tutulungan kita gamutin 'yang sugat mo!" Sigaw ko habang kinakatok ang pinto.

Hindi siya sumagot. Ang arte siya na nga gagamutin! Parang ewan talaga.

"Kapag hindi mo ito binuksan sasabihin ko kay mommy na nakipag away ka-----" hindi ko na iyon natuloy nang bigla niyang buksan ang pinto. Wala siyang suot na pang- itaas.

"Hoy bata, huwag kang makulit. Kapag sinumbong mo ako kay mommy hindi na kita ihahatid." Aniya at sinara ulit ang pinto.

Natulala ako, hindi naman ito ang unang beses na makita siyang walang damit pang itaas. Pero dati 'yon noong binatilyo pa lang siya pero ngayon marami na kasi nag iba sa katawan niya.

Huminga ako nang malalim at tumakbo papunta sa cr. Hindi ko alam bakit nag i-init ang pisngi ko dahil doon. Ang weird!

Binasa ko ang mukha ko, siguro naisip ko lang yon dahil kay kuya Art! Naisip ko lang kung siya yung topless sa harap ko. Omg Tammy! Sixteen years old ka lang bakit ang harot mo!

Bumalik na ako sa kuwarto pagkatapos kong maghilamos. Tinext ko si kuya Art pero hindi naman niya ako nireplayan. Baka tulog na siya, gusto kong malaman kung nasaktan ba siya or kung may sugat siya.

Yakap yakap ko ang unan kong nahiga sa kama hanggang sa lamunin ako ng antok.

Nagising ako sa boses ni mommy, bumangon ako at hinanap kung saan iyon nanggaling.

"Temper! Ano sa tingin mo teenager ka pa na pwedeng makipag basagan ng mukha! Gosh! Temper, you're already 21, aren't you done with that stage?" Pinagalitan ni mommy si kuya sa kuwarto niya.

"Mom, I'm sorry." Sabi ni kuya Temper.

"Apologize to brandon. Temper, humingi ka ng sorry kay Brandon, dahil kung hindi kayong dalawa ni Art mapapatalsik kayo sa university!"

My Brother Is Annoying Where stories live. Discover now